"Araaaay! Jusko! Sandali!" Sunod-sunod at naluluhang daing ni Louisa. Pagpasok nila ng kwartong may karatula sa pintong facial room, pinapwesto na siya ni Lovely sa maliit na kama roon at kung ano-anu nang ginawa sa pagmumukha niya. Pinausukan, pinahiran ng mga kung anu-anong cream at ngayon nilalapirot naman ang mga hitik na hitikt niyang taghiyawat. Napakasakit! Daig pa ng mga pagsampal ni Sabrina sa kaniya kanina. “Just bear the pain a little longer,” anitong seryoso sa ginagawang pagdutdot sa mukha niya. “Remember, no pain, no gain.“ Mariing kinagat na lang ni Louisa ang ibabang labi. Wala na siyang magagawa, kundi tiisin ang sakit. Nandito na siya, eh! Ramdam niyang nagtatalsikan ang dugo at nana galing sa kaniyang mga taghiyawat. “Ah… matagal ka na bang namamasukang maid

