"OMG! Ahhhhhh! Sabi na nga ba may gusto sa 'yo si Ocampo!" Kinikilig na tili ni Yesha. "True!" Pag-sang ayon ni Tricia. "He's like a knight in shining armor!Kitang-kita ko nang harangin niya yung nguso ni Aljon!" "Aminin mo na kasi boyfriend mo 'yon, no!" Singit ng kaklase niyang bakla na si Ryan. Nakapalibot ang tatlo kay Louisa. Dahil sa eksenang ginawa ni Ace, hindi na siya tinigilan ng mga ito sa pang-aasar at pagtatanong kung may relasyon ba sila. Daig pa ang showbiz reporter sa TV sa dami ng tanong! "Anong aaminin ko! Hindi ko crush 'yon! Lalong hindi ko boyfriend 'yon, no!" Mariing tanggi niya sabay tinalikuran ang mga ito. Ngunit kaagad na hinawakan ni Yesha at Tricia sa braso niya at hinila pabalik. Napaupo siya sa monoblock na silya. "Hep! You can't run away from us!" Um

