NAGISING si Louisa na parang hinampas ang ulo niya sa pader dahil sa sobrang sakit niyon. Hindi na niya ganong matandaan ang mga nangyari kagabi. Meron man siyang memorya, ngunit putol-putol na eksena ‘yon at hindi siya sigurado kung totoo bang naganap ang mga ‘yon or panaginip lang. Nilingon niya ang orasan sa ibabaw ng night table at nakitang alas sais na ng umaga. Hawak ang sentido na babangon sana si Louisa nang mapagtantong may mabigat na bagay ang nakadagan sa kaniya. Kunot ang noong nilingon niya ang kaniyang tabi at natigilan nang makitang napag-gigitnaan siya nina Angge at Patring. Tulog na tulog ang dalawa, humihilik at nakanganga pa. Teka, bakit nandito ang dalawang ‘to? Pa’no sila nakauwi? Naiiling na bumaba siya ng kama at napangiwi nang makaramdam ng hilo. Hinding-hin

