MAS maaga kumpara sa normal na gumising si Louisa nang araw na 'yon. Ngayon kasi ang unang araw sa eskwela ng dalawang alaga niya. Nagluto pa siya ng agahan bago inasikaso ang mga ito. Kung tutuusin nga dapat ay hindi na niya pinaalalahanan at binibihisan ang mga ito dahil nasa hustong gulang na. Si Yohan pitong taon, walo naman si Cayla. Ang mga kapatid nga niya— mas bata pa sa mga ito pero hindi na inaasikaso ng nanay nila. Sila na lang rin ang pumapasok sa eskwelahan. Itong mga alaga 'ata niya ay hatid-sundo pa ng Ama. Narinig niya kasi kagabing sinabihan ni Mr. Perez ang mga anak na ito ang kasama sa school ngayon. "Yaya Ugly! Tie my shoes!" Barumbadong utos sa kaniya ni Yohan habang naglalaro sa cell phone nito. Tinapos muna ni Louisa ang pagtatali ng ribbon sa uniform ni Ca

