HINDI mapakali si Louisa sa kinauupuan habang nasa biyahe sila ni Ace. Pamilyar ang daan na tinatahak ng sasakyan— na walang iba kundi papuntang university. Malinaw na narinig niyang pansamantalang sa condo muna siya nito titira. Pero bakit?! Hindi na niya napigilan ang sarili at nilingon ang binata. “Saan ba talaga tayo pupunta?” Sumulyap ito sa kaniya, nakataas ang sulok ng labi. “Hindi ka naman siguro bingi? Narinig mo ang sinabi ni Andrei. Doon ka muna sa condo ko.” Kumunot ang noo niya. “Bakit nga? Ano namang gagawin ko do’n? Ibaba mo na lang ako diyan sa gilid ng daan. May mga jeep naman sigurdong dumadaan diyan papuntang terminal. Uuwi na lang ako sa amin.” Inis itong bumuntong hininga. “That’s how are you gonna pay what Andrei, Tito Hans, and the kids do for you to stay— giv

