"S-Sir, sandali po..." namumula ang pisnging at kagat ang ibabang labi na sabi ni Louisa. "Baka po may makakita sa atin dito..."
Imbes na kumilos umungol lang si Ace at lupaypay na bumagsak ang ulo nito sa balikat ni Louisa.
Sinilip niya ang mukha ng binata at nakitang nakapikit ang mga mata nito. Nang ilapit niya ang ilong sa bibig nito, napangiwi si Louisa nang maamoy ang alak roon.
Lasing ba 'to?
"Sir?" Tawag niya rito.
Hindi pa rin ito kumilos. Lalo pang humiga sa balikat niya. Ayos lang naman sana na yakap-yakapin siya nito— kaso nakapabigat ni Ace! Parang bibigay na ang tuhod niya!
Nilingon ni Louisa ang balcony ng second floor, nagbabakasakaling makita si Andrei para magpatulong sa binata. Napailing siya nang maalalang sinabi nga pala nitong maaga itong matutulog dahil may taping bukas.
Wala siyang pagpipilian kundi iakyat si Ace sa kwarto nito. Hindi naman niya pwedeng iwanan na nakabulagta rito ang binata. At bilang future wife nito— duty niya na alagaan ito.
Tama! Sunod-sunod na tumango si Louisa at saka nagsimulang humakbang, akay-akay ang walang malay na si Ace.
Hindi na niya alam kung paanong nakarating sila sa second floor na hindi gumugulong pababa ng hagdanan.
Pumasok sila sa kwarto saka pabagsak na inihiga niya ang binata sa kama nito.
Pawis na pawis at hinihingal na napaupo si Isay sa gilid ng kama. Daig pa niya ang bumuhat ng dalawang kabang bigas! Pambihira! Lalo na siyang hindi tatangkad nito!
Nilingon ni Louisa si Ace nang marinig na umungol ang binata. Napailing siya saka tumayo sa paanan ng kama. Hinubad niya ang sapatos nito pati na medyas.
Nakikita niya kung paano asikasuhin ng Nanay ni Louisa ang kaniyang tatay kapag umuuwing lasing noon, kaya alam na niya ang dapat gawin.
Lumabas siya sandali ng kwarto para kumuha ng basin. In case na gusto nitong sumuka. Bumalik siya sa kwarto ni Ace at saka kumuha ng malinis na damit para bihisan ang binata.
Sa laking lalaki ni Ace, hirap na hirap siyang hinubad ang jacket nito. Hinagis niya 'yon sa sahig saka hinawaka ang laylayan ng Nike tshirt nito saka itinaas hanggang mahubad sa lalaki.
Napalunok ni Louisa, at tulad ng unang beses na masilayan ang katawan nito— nag-init ang buong mukha niya. Kagat ang ibabang labi na pinagmasdan niya ito.
Jusko po, Inang!
Katulad nito ang descriptions sa mga nababasang inaarkilang pocketbook sa bayan. Athletic body type, with sunkissed skin and abs.
Nakagat ni Louisa ang ibabang labi nang matuksong haplusin ang pisngi nito. Naglaban ang isip at damdamin niya.
Hindi naman siguro pananatsing na matatawag 'yon, no? Haplos lang naman! Ito nga, niyakap pa siya sa swimming pool!
Huminga siya ng malalim bago naupo sa tabi nito saka dahan-dahan dumukwang palapit rito. Tinitigan niya ang mukha nitong walang kahit anong imperfection.
Ang kinis, ang puti at walang pores.
Perfect rin ang lahat ng features nito. Mula sa makapal na kilay, mahahang pilit mata, matangos na ilong, prominent jawline at... mamula-mulang labi.
Nakakita na rin naman si Louisa ng mga gwapo sa bayan nila. Si Andrei nga sa totoo lang ay napaka-gwapo rin. Pero iba si Ace. Ito ang nakakapagbilis sa t***k ng puso niya.
Dahan-dahang umangat ang kamay ni Louisa. Subalit bago pa 'yon lumapat sa pisngi ni Ace, namumungay ang mga dumilat ito.
"Beautiful..." bulong nito sabay hinawakan ang pala-pulsuhan niya saka hinila palapit siya palapit at siniil ng halik sa labi.
Namilog na lang ang mga mata ni Louisa. . .
********************
"Isang linggo lang akong mawawala. Pumayag si Madam. Huwag kang tatanga-tanga rito, Isay."
Kasalukuyang nasa kusina ang magtiyahin at naghahanda ng pananghalian ng mag-anak. Panay ang habilin kay Louisa ng tiyahin. Pero ang isip ng dalaga ay lumilipad sa ibang dimensyon.
Hindi pa rin siya maka-move on sa panghahalik ni Ace sa kaniya kagabi! Halos hindi siya nakatulog dahil doon. Ito lang naman ang first kissed niya!
Parang nararamdaman pa rin niya sa sariling labi ang, malambot na labi nito. Naamoy pa rin niya ang mabangong hininga nito na hinaluan ng amoy ng alak.
Nakaramdam lang siya ng panghihinayang dahil hindi niya nagawang tugunin ang halik na 'yon. Bukod sa wala siyang karanasan— bigla na lang rin kasing nakatulog ulit ang binata.
"Kung anong gusto nilang lutuin sundin mo. Kung hindi mo alam kung pa'no, itext mo lang ako. Naiintindihan mo ba?"
Kunot noong binalingan ni Bebang si Louisa at nakitang ngiting-ngiti ang pamangkit.
"Hoy! Nakikinig ka ba!" Malakas nitong siniko si Louisa na biglang natauhan at bumalik ang isipan sa earth.
"A-Ah, ano nga po 'yon, Tiyang?" Alanganing tanong niya.
Malakas itong bumuga ng hangin sa ilong saka tinuktukan ng hawak nitong sandok ang ulo niya. "Kasasabi ko lang na huwag kang tatanga-tanga habang wala ako!"
Hawak ang ulong, napangiwi si Louisa. "Hindi naman ho, ah."
"Anong hindi?" Pinandilatan siya nito. "Nandito pa lang ako lutang ka na diyan!"
Ngumuso siya. Hindi niya kung mag-memenopause na ang tiyahin at napakasungit. Pero paano naman rin kasi may magkakagusto rito? Kung ang isasalubong sa 'yo at sibangot na pagmumukha?
Imbes na maganda ang umpisa ng araw mo, masisira na kaagad, eh.
"O siya! Uulitin ko. Kung may hindi ka alam lutuin sa putaheng gusto nilang kainin, tawagan mo lang ako o di kaya'y manood ka internet."
Wala naman siyang cellphone, paano niya 'yon gagawin?
Ibinukas ni Louisa ang labi upang sagutin si Tiya Bebang nang marinig nila ang boses ni Madam mula sa dining table.
"Ilabas mo na 'tong mga naluto natin roon."
Tumango siya at kinuha ang malaking plato ng naglalaman ng piniritong hotdogs at bacons. Kinabahan siya nang makitang nasa hapag na ang among babae, suot ang satin robe nito.
Ngingitian sana niya ito, pero tinaasan kaagad siya ng kilay kaya napaiwas na lang ng tingin si Louisa. Nagmamadali siyang bumalik sa kusina para kunin pa ang ibang mga pagkain roon.
Mayamaya pumasok na rin sa dining area si Yohan at Cayla, na magkabilang nakahawak sa kamay ni Mr. Perez.
Sa ilang araw ni Louisa dito sa mansion, ngayon lang niya nakita ang among lalaki. Ayon sa Tiyahin— abala ito sa mga business ng pamilya at kagagaling ng conference sa ibang bansa. Kahapon lang nakauwi.
"Mommy!" Humalik si Cayla sa pisngi ng Ina. Ganoon rin si Yohan saka pumwesto sa silya ng mga ito.
"Love..." ani Mr. Perez na humalik sa pisngi ni Madam.
Walang hiya-hiya namang iniyakap ni Madam ang mga braso sa leeg ng asawa saka gumanti ng mariin na halik.
Nakangiwing napaiwas ng tingin si Louisa na nilalagyan ng juice ang mga braso.
"That's gross, Mom!" Reklamong sabi ni Yohan.
Natawa si Mr. Perez saka binalingan ang anak na lalaki. "That's a nice to say to older people, Yo."
Napasulyap si Louisa sa among lalaki. Maamo ang mukha nito. At halatang mabait. Marahil ay dito nagmana si Andrei.
Iniisip pa lang niya ang binata nang dumating ito. Nakasuot pa ng panjama at puting tshirt.
"Mom..." humalik ito sa pisngi ng ina bago ginulo ang buhok ng dalawang magkatabing bata saka tinanguhan naman si Mr. Perez. "Tito Hans."
Tito? Kumunot ang noo ni Louisa. Bakit hindi daddy ang tawag nito.
Napapaisip siya nang saktong lumingon sa kaniya si Andrei. Ngumiti ito. "He's our stepfather. Me and Ace," sabi nitong parang nabasa ang nasa isip niya.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Isay at nagyuko. Jusko! Baka sabihin ni Madam masyado siyang tsismosa at pakialamera! Bat naman kasi sinabi pa ni Andrei 'yon!
"Akala ko maaga ang taping mo?" Tanong ni Madam kay Andrei. "Nakausap ko si Mamshie Pia. Medyo malayo pala ang location niyo."
"Yeah. After this, I'm gonna get ready."
"Sinabihan na kita, Andrei. Huwag na huwag kang gagawa ng dahilan para may ipabato silang issue sa 'yo. Look what happened to Josh Kalangit. Pinuputakti ng issue! Masyado raw pa VIP dahil laging late!"
"Aabot naman ako sa call time, Mom..."
"I'm just concerned about your career. Sa panahon ngayon ang bilis-bilis mag-cancel ng mga tao." Napailing si Madam. "Ayokong sabihin nilang dahil sa akin kaya ka nabibigyan ng role. Which is partly true." Sabay umikot ang eyeballs.
"Love, every role Andrei gets, he worked hard for it." Singit ni Mr. Perez.
"But I'm a big help to boost his career. Right, Son?"
Tumango si Andrei. "That's true. Without Mom, I wouldn't be where I am right." Tipid pa itong ngumiti.
Unfair naman ata 'yon? Nakita niya sa session nila kahapon na magaling talagang aktor si Andrei. Ramdam niya ang dedikasyon nito. Hindi naman nito gagawing hingin ang tulong niya kung hindi, di ba?
At bakit kailangan pa 'yong sabihin ni Madam sa sariling anak na parang may utang na loob ito?
Nakatayo sa sulok at pasimpleng pinagmamasdan ni Isay ang binata nang tawagin siya ng among babae.
"Hey!"
Mabilis siyang napabaling rito. "P-Po, Ma— Madam?"
"Akyatin mo nga si Ace sa kwarto niya. Sabihin mong bumaba na siya rito para sabay-sabay kaming mag-breakfast."
"O-Okay po," sagot ni Louisa na kaagad tumalima.
Umakyat siya sa second floor at huminto sa harapan ng silid ni Ace. Sunod-sunod siya kumatok pero walang sumasagot kaya bumaba siya at bumalik sa dining area.
Alanganing nilapitan si Madam. "Hindi po siya sumasagot. Tulog pa po 'ata."
Nakataas ang kilay na nilingon siya nito. "I don't care!" Singhal nito sa kaniya. "Just bring him here kung ayaw mong ikaw ang malintikan sa akin."
"Mom..." naiiling na saway ni Andrei sa Ina.
"Hindi mo kailangang sumigaw ng ganyan, Olive." Malumanay na sabi naman ni Mr. Perez.
Masama ang tinging binalinga ni Mrs. Perez ang dalawa. "At kinakampihan niyo pa ang katangahan nitong katulong na 'to!"
"Umagang-umaga. That's enough," napapabuntong hininga nilingon ni Mr. Perez si Louisa. "Go ahead. Gisingin mo na si Ace. Kapag hindi pa rin sumagot pasukin mo sa kwarto niya at gisingin."
Napapalunok na sunod-sunod na tumango si Louisa at halos takbuhin niya paakyat ang hagdanan. Grabe naman kasi si Madam. Maliit na bagay parang bubuga na kaagad ng apoy.
Paghinto sa harapan ng silid ni Ace, malalakas at sunod-sunod na kumatok ulit si Louisa. Wala pa ring sagot hinawakan na niya ang doorknob saka pinihit 'yon.
Oh, bakit? Si Mr. Perez naman ang nagsabing pasukin niya at gisingin, 'di ba?
Nakita ni Louisa na ang sarap pa nang pagkakadapa ni Ace sa kama.
Napalunok siya. Wala itong suot na kahit ano maliban sa boxer na itim. Hindi na niya kasi nagawang bihisan ang binata dahil sobrang bigat nito! Tsaka mas komportable ito kapag ganon lang ang suot.
Naglakad si Louisa palapit sa kama at dinutdot ng daliri ang paa nitong nakalabas sa laylayan ng kumot.
"Sir... gising... huy..."
Umungol lang ito at tumihaya ng higa. Sunod-sunod siyang lumunok nang gumapang sa kabuoan nito ang paningin niya at huminto sa gitnang parte nito na nakaumbok.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at sunod-sunod na umiling, kinakalma ang sarili.
Walang oras para magpantasya ka, Isay! Landi o trabaho? Masisisante ka kapag hindi mo ginising ang future husband mo! Sigaw ng isip niya.
Huminga siya ng malalim saka malakas na niyugyog ang braso nito. "Sir! Gising! Gisssssing—"
Nanlaki ang mga mata niya nang biglang hawakan ni Ace ang magkabilang wrist niya at hinila siya palapit. Sabay ipinulupot ang mga braso sa maliit niyang beywang.
Awang labi na bumagsak si Louisa sa ibabaw ng binata. Kumakabog ang dibdib na itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito saka binangon ng kaunti ang katawan habang namimilog ang mga matang nakatitig dito.
Unti-unti namang dumilat si Ace, na tila nagising sa isang magandang panaginip. . .