Kabanata 26

1886 Words

"ANONG nararamdaman mo, hija? Masakit ba ang ulo mo? Nahihilo ka ba?" Sunod-sunod na tanong ng nurse kay Louisa. Pagpasok niya sa clinic, nagsagawa kaagad ito ng simpleng physical exam. Chineck ang vital signs at blood pressure niya bago pinaupo sa clinic bed. Sa kabilang kama naman nakaupo si Ace, hawak ang ice bag na nakadikit sa ilong nito. Nauna na itong suriin ng nurse bago siya dumating. "Medyo masakit lang po itong noo ko, nurse. Nabukulan 'ata," nakangiwing sagot niya. Kumuha ito ng panibagong ice bag at iniabot sa kaniya. "Ilagay mo 'to diyan. Leave it for 10 mins. Hindi naman tumama ang ulo mo sa sahig? May nararamdaman ka bang masakit dito?" Tanong nitong hinawakan ang likod ng ulo niya. Umiling si Louisa. "Hindi po." Tumango-tango ang nurse. "Base sa physical estate mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD