SUNOD-SUNOD na napalunok si Louisa habang nakatulala sa kinatatayuan niya. Hindi niya malaman kung paanong i-po-proseso ng utak ang mga kahalayang nakikita. Ganito pala ang gawain ng mga taga-Maynila! Ito na nga ba ang palaging sinasabi ng Nanay niya na— huwag na huwag gagaya sa mga babaeng taga-siyudad. Halos kita na ang laman at kaluluwa nung babaeng lumilingkis doon sa lalaking kasayaw nito sa dancefloor. Parang hindi nga sila nagsasayaw— kundi binabayo ito no'ng lalaki sa likuran habang umiindayog ang puwet nung babae! Curious na pinagmamasdan ni Louisa ang mag-shotang 'yon nang maramdaman ang presensya sa kaniyang likuran. Lumingon siya at nakitang nakatayo na si Ace roon. Bumaba ang tingin nito sa kaniya bago nilingon ang tinitingnan niya sa dancefloor. Umangat ang sulok ng l

