“MAY problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Louisa kay Andrei nang hindi na makatiis sa katahimikang namamagitan sa kanila sa loob ng sasakyan. Sumulyap ito sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa daan. Umiling ito. “Wala.” Wala? Pero bakit kabaligtaran naman ‘yon sa ikinikilos nito? Gusto niya itong tanungin kung may nagawa na ba siyang mali? May nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan? Pero kahit hindi kumbinsido sa sinagot nito, pinili na lang niya Louisa na manahimik. Baka makulitan pa ito sa kaniya at lalong magalit. Kaso hindi siya sanay na malamig ang pakikitungo ni Andrei sa kaniya. Napabuntong hininga tuloy si Louisa. Hindi ‘yon nakaligtas kay Andrei na muling sinulyapan ang dalaga. Mayamaya ay hindi rin nakatiis at nagtanong. “Bakit kasama mo si Villareal?” “Si Kevin? N

