PAPALABAS si Louisa kasama si Angge at Patring ng sliding door patungo sa backyard nang masalubong nila si Mrs. Perez at Mrs. Almarez na nagmamadali hawak ang mga tiyan. “Move out of the waaaaay!” Tili nito, kasunod ng tunog na parang may bumulwak. Hinawakan nitto ang puwetan saka napangiwi. “Oh, nooo!” Napatakip sa ilong si Louisa, Patring at Angge nang umalingasaw ang mabahong amoy. “I gotta go!” Nagpapanic na sigaw naman ni Mrs. Almares sabay tinakbo na ang banyo. “Honey!” Humahangos na dumating si Mr. Perez. Nanlaki ang mata nito pagbaba ng tingin sa gown ni Madam. “Come! Hurry!” Nakangiwing sinundan ni Louisa ng tingin ang mag-asawa. Kitang-kita pa niya ang bakas ng dumi na kumalat sa likuran ng gown ng among babae. “Halika na!” Hatak kay Louisa ni Patring. Umawang ang lab

