Alanganing tumawa si Isay. “A-Ahahaha!” bago umalis sa kandungan ni Ace at naupo sa tabi nito. “Pasensya na po, Sir.” Nahihiyang sabi pa niya. Imbes na sagutin, kunot noong tinitigan lang siya nito bago naiiling na dinukot ang cell phone sa bulsa ng pantalon at nag-scroll doon. Bakit naman kasi walang pasabing nagmaneho itong si Mang Kanor na hindi inaabisuhan ang mga pasahero niya. Jusko! Nakakarami na si Ace sa kaniya, ah! Una niyakap siya nito sa pool, nung nakaraan hinalikan sa lips, ngayon naman kinandong siya. Kapag hindi pa sila nagkatuluyang nito, ewan na lang niya! Habang nasa biyahe, pasulyap-sulyap si Isay sa binata. Ang bango. Nanunuot sa ilong niya ang cologne nitong panlalaki. Hindi ‘yon masakit sa ilong tulad ng pabango ng asawa ni Kapitana na galing pa raw at importe

