NAGISING si Louisa na bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kisame. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon nang mapagtantong hindi niya silid ang kinaroroonan. Pero natigilan rin siya nang biglang gumuhit ang kirot sa ulo. Sinapo niya ‘yon saka hinilot-hilot ang sentido. Ang natatandaan niya kagabi, sarap na sarap siya sa iniinom na wine sa opening ng clinic na pinuntahan nila ni Andrei. Hindi na niya malaman kung ilang baso ang nilaklak niya. Mayroon ring magandang babaeng kumausap at tumulong sa kaniya palabas ng banyo. Pagkatapos niyon ay putol-putol na ang mga eksenang naaalala niya. Inis na bumuga ng hangin, ginulo ang buhok saka inikot ang tingin sa kwarto. Kumunot ang noo niya bago unti-unting umawang ang labi nang bumaha ang realisasyon kung nasaang silid niya! Anong gi

