"What are you doing here?" Tanong ni Andrei sa kapatid nito. Imbes na sagutin, bumaling si Ace kay Louisa. "Get inside." Iyon lang at wala nang sabi-sabing tinalikuran ang dalawa saka naglakad pabalik sa loob ng restaurant. Nagtatakang nasundan ni Louisa ng tingin ang binata. Ha? Bakit naman siya papasok sa loob? Baka pagalitan siya ni Madam. "Bakit nandito ka lang?" Natuon ang atensyon niya kay Andrei. "Sinabihan kasi ako ni Madam na hintayin kayo rito—" ngunit natigilan siya sa pagsasalita nang malakas na kumalam ang sikmura niya. Napapailing na inilahad ng binata ang kamay sa harapan niya. "Let's get inside. Hinahanap ka ni Tito sa loob." Bumaba ang tingin ni Louisa roon saka bumalik sa mukha nito at alanganing napakamot sa ulo. "Hindi ba magagalit si Madam?" "It's not her b

