"Bakit ikaw ang may hawak ng cell phone ni Ace?" Nagtatakang tanong ni Lovely. Kunot noong napalingon si Andrei sa dalaga. Kasalukuyang nandito sila sa arena kung saan ginaganap ang unang game nila Ace para sa intercollegiate sports this year. Kagabi nagtext si Lovely at nag-aya ngang lumabas ngayong gabi. Sakto namang na-cancel ang magkasunod niyang meeting kaya nagkaroon ng libreng oras si Andrei. Ang balak niya daanan muna sana si Louisa sa university para isama sa lakad nila. Kaso, nagmamadali si Lovely dahil gustong maabutan ang game ni Ace. Sinabihan niyang mauna na ito sa arena. But she insisted that he pick her up at the boutique because her car was broken. Pumayag na lang si Andrei dahil on the way rin naman ang location nito. At naisip na lang niyang after ng game da

