“So, pag-aaralin ka nga ng amo mong lalaki?” Nagtatakang tanong ni Angge kay Louisa. Kasalukuyang nakatambay ang dalawa sa park sa loob ng university. No’ng isang araw lang napag-alaman ni Louisa na dito rin pala nag-aaral ang mga anak ng amo ni Angge. At naikwento niya rito ang offer ni Mr. Perez na pag-aralin siya. May bonus pang extra income. Hindi pa rin nagagawang mag-desisyon ni Louisa ukol doon. Iniisip pa rin niya kung tama ba na tanggapin ang alok nito kasama na ang kaakibat niyong kapalit. Syempre, wala namang libre sa mundo. Kaya naiintindihan niya si Mr. Perez. “Oo, pero hindi pa ako makapag-desisyon. Kaya ko nga sinabi sa ‘yo para humingi sana ng kaunting advice.” Wala naman kasi siyang ibang mapagsasabihan. Kundi ito at si Patring lang. Tumingala si Angge, hinihima

