“AHHHH!” Nanlalaki ang matang hiyaw ni Ace. Kasabay rin ng pagtili ni Louisa dahil sa gulat. “Ahhhhhh!” Nagmamadali siyang umalis sa ibabaw nito at bumaba ng kama. Bumangon naman si Ace. “You!” Asik nito sabay napapangiwing napahawak sa sentido. “s**t! Hangover!” “S-Sir…” nag-aalalang usal naman ni Louisa at lalapitan sana ang binata ngunit bumalik ang masamang tingin nito sa kaniya. “What are you doing in my room!“ “P-Pinapatawag po kayo ni Madam para mag-almusal.” Natatarantang sagot niya. “Then why the hell you’re on top of me!” Namula ang pisngi ni Isay. “H-Hinila mo po ako, Sir.” “What!” Gulat na nanlaki ang mata nito saka sunod-sunod na napailing. “Liar! Ang sabihin mo, nanantsing ka!” “H-Hindi po, ah!” Kaagad na tanggi niya. Ito nga hinalikan siya! Di naman siya nagrekl

