Kabanata 64

2761 Words

Tinitigan ni Louisa ang repleksyon niya sa salamin. Kasalukuyang nasa loob siya ng ladies room ng sinehan. Nang matapos ang palabas, na halos hindi naman niya naintindihan ang istorya — nagpaalam siya kay Ace na kunwaring iihi. Ngunit ang totoo, gusto lang niya munang kalmahin ang sarili. Namamaga ang mga labi niya. Nag-iinit at namumula ang magkabilang pisngi pababa sa balikat hanggang sa dibdib. Ang bilis rin ng t***k ng kaniyang puso. Umangat ang kamay ni Louisa at marahang dinama ang labi at saka nakagat ang daliri. Diyos ko... anong pumasok sa isip niya at nakipag-halikan siya sa lalaking 'yon?! Nasaan na ang sinasabi niyang, hahabulin at luluhuran nito ang pagmumukha niya kapag gumanda?! At ano naman ring masamang espiritu ang sumanib kay Ace para halikan siya? Lumingon lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD