PAROON at parito si Ace sa harapan ng kama, nagsasalubong ang kilay na lilingon sa pintuan saka maglalakad ulit habang hinihimas ang panga. What took her so long, huh? Umubo siya bago tumango-tango. Medyo makati talaga, eh. Tama, may sakit rin siya. Naunahan lang siya ni Andrei magsabi. Lumingon ulit si Ace sa pinto at naiiritang bumuntong hininga bago ‘yon tinungo saka binuksan. Sumilip siya sa hallway. Nasaan na ba ang babaeng ‘yon? Sinabi na niyang dalhan siya ng gamot, ah? Nakasungaw pa rin si Ace roon nang matanaw na may papaakyat ng hagdanan. Mayamaya ay nakita niya si Louisa. Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng silid at nag-dive papunta sa kama saka nagtaklob ng kumot. ************************ Kumain muna si Louisa bago niligpit ang mga kalat sa dining area at kitchen.

