Stranger
(Jonazen's POV)
Maingat kong tinapakan ang malamig na semento habang nakatayo ako sa gilid ng mataas na pader. Ilang segundo akong nanatiling nakayuko, tinitiyak na walang taong naglalakad sa paligid bago ako tuluyang umakyat. Kailangan kong makuha iyon. Ang singsing na pamana sa akin ni Papa bago ito mamatay, dahil 'yon na lang ang ala-ala ni Papa sa akin.
Ilang araw ko na itong hinahanap. Akala ko tuluyan ay nawala na, hanggang sa hindi sinasadyang makita ko ang parehong singsing sa kamay ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko alam kung paano ito napunta sa kanya. Pero alam kong akin iyon at kukuhanin ko 'yon.
Dahan-dahan akong tumalon mula sa pader patungo sa kabilang bahagi. Bahagyang napangiwi ako nang tumama ang aking sapatos sa lupa, ngunit agad kong pinigilan ang sarili kong gumawa ng anumang ingay. Peste! Dahil bumangga pa sa bato.
Tahimik akong lumakad papunta sa bahay. Talagang inalam ko ang address ng bahay ng lalaki. Titiyakin kong makukuha ko ang singsing ng Papa ko. Walang tao sa paligid. Mabuti naman, dahil makakapasok ako. NANG tumingin ako sa bahay ay masasabi kong malaki ‘yon. Parang palasyo sa laki. Pero wala akong pakialam sa bahay. Singsing ang kailangan ko.
Bahagya kong binuksan ang isang pinto at maingat na pumasok sa loob. Pinanatili kong mabagal ang aking paghinga habang nakikinig sa bawat tunog. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang ugong ng air conditioner mula sa isang silid. Agad akong nagtungo roon. Bahagya kong itinulak ang pinto ng kwarto. At talagang inggat na inggat.
Nakita ko ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa malaking kama na parang hari ang dating nito. Paano kaya napunta rito ang singsing ng Papa ko. Sa aking pagkakaalam ay nahulog ko ito. Kung tama ang hula ko ay napulot ito ng lalaki. Tapos inangkin na nito.
Tumingin ako sa kamay nito. Nakita ko agad ang singsing ng Papa ko. Medyo lumapit ako at tiningnan ko ng husto ang singsing. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Sa wakas, makukuha ko na rin ang singsing ng Papa ko…” bulong ko.
Pinagmasdan ko ang lalaki upang matiyak na tulog pa rin siya. Nakaharap sa akin ang kamay niyang may suot na singsing. Iniunat ko ang aking kamay. Kaunti na lang. Mahahawakan ko na sana ang singsing nang biglang gumalaw ang lalaki. Napahinto ako. Nanigas ang buong katawan ko. Unti-unting bumukas ang mga mata niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko. Nagkatinginan kami. Ilang segundo kaming parehong walang imik.
“Who are you, wowan?” malamig niyang tanong.
Hindi ako agad nakasagot. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa takot sa kanya, kundi dahil baka tuluyan kong mawala ang pagkakataong mabawi ang pinakamahalagang bagay na iniwan sa akin ni Papa. Tinitigan ko ang singsing sa kamay niya.
“Akin iyan,” mariin kong sabi. Bahagyang kumunot ang noo niya.
“What?”
“Itong singsing.” Itinuro ko ang kamay niya. “Pamana iyan sa akin ng Papa ko. Hindi ko alam kung paano napunta sa iyo, pero kukunin ko lang sa ‘yo.”
Unti-unti siyang bumangon mula sa kama. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin, alam kong hindi niya basta-basta ibibigay ang singsing.
“The ring is mine.”
Biglang sumama ang mukha ko. Parang gusto ko nang manapak ng tao.
"Ibigay mo sa akin ang singsing at aalis na ako!” Sabay lahad ng kamay ko. Ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Kinuha nito ang cellphone.
“Arranged my wedding right now. I’ve already found a woman.”
Kumunot ang noo ko. Dahil sa sinabi ng lalaki. Bigla tuloy akong kinutuban. Peste! Mali yata ang pagplano ko. Kailangan ko nang umalis dito. Balak ko na sanang lumapit sa pinto ng kwarto para umalis nang bumukas ‘yon at pumasok ang mga armadong lalaki. Kasunod ang isang Pari.
“Father, start our wedding with that woman.” He pointed at me.
“What? Teka lang, hindi nga kita kilala, bakit ako magpapakasala sa ‘yo!” Ngunit agad akong tinutukan ng baril ng lalaki sa aking ulo.
“Start our wedding, Father."
Peste! Nagpunta ako rito para sa singsing ng Papa ko, hindi para sa kasal ng lalaking hindi ko kilala.