Chapter 3

1599 Words
"Let's sleep over at Hanna’s unit, Rainne." ani Bianca at nahiga sa aking kama. Huwebes ng hapon at katatapos ng klase and here she is nag-aayang magsleep over kila Hanna. "May pasok," ismid ko at naupo sa study table habang inaayos ang mga gamit ko. "Boys is going there too. ‘Tsaka let’s study together, ang killjoy mo!" sabi niya at biglang bumangon sa kama. "Sige na, Alexie Rainne Windsor!" pilit pa niya at kulang na lang ngumawa. "Oo na oo na!" pagpayag ko. "Thank you! Ano, balikan na lang kita, ha? Uwi muna ako, see you mahal!" Sabi niya at mabilis pa sa alas kwatrong lumayas sa unit ko. Kinuha ko ang bagpack at naglagay ng mga gagamitin ko roon, habang nag-aayos tumunog ang doorbell. Nakasimangot akong bumukas at bumungad si Lay na all smiles. "Good evening!" bati nito at nilagpasan ako para makapasok. "Wow, natuto ng maglinis ang isang Alexiey6!" sabi niya habang ginagala ang paningin sa buong unit. "Ano, kain tayo? Or let's study together?" "Aalis ako," sabi ko at dumiretso sa kwarto ko, sumunod naman siya at naupo sa kama. "Ha? Saan ka?" kunot noong tanong niya. Nag-angat ako ng tingin. "Sleepover with my friends, bakit?" "Oh, kasama ‘yung Bien ba ‘yon?" tanong niya. "Malamang." Pagsusungit ko. "Uh.... Alexie, can I borrow a two hundred?" bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sakanya. Para siyang kamatis sa sobrang pula. He held his neck and chuckled before nodding. "Wala kang pera?!" "Na... naubos, e." Kinuha ko ang two hundred na nakakalat sa study table ko at binigay sakanya. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi masabi-sabi. "Kulang?" tanong ko. "Hindi. Number mo sana," sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko. "I mean para sabihan kita... kung-- kung kalian kita babayaran!" "Magkatabi tayo ng unit. You almost go here everyday," irap ko at inayos ang bag. "Baka... Tomorrow I am not here at baka next time na umutang ako ‘di mo na ako pagkakatiwalaan--" "Amin na phone mo. Dami mong alam," irap ko at tumabi sakanya. He handed me his phone, I typed my number immediately. Ngising aso siyang sinave iyon nang mapansin siguro ang tingin ko ay bigla siyang nagseryoso. Nagpaalam na siya kaya naman lumabas na rin ako para hintayin si Bianca sa labasan. Habang naghihintay biglang nag-ring ‘yung phone ko. It was an unknown number. Sinagot ko ‘yon. "Hello? Hello?" ulit ko dahil walang nagsasalita. And then I heard a familiar chuckled. "Napindot." boses ni Lay. "You can hung it up. Sorry, napindot." Pinatay ko ‘yon nang makita ang sasakyan nila Bianca na papalapit. Hinatid kami ng driver nila sa bahay nila Hanna. Pinapasok kami ng katulong nila at hinatid sa garden ng bahay nila. I saw Joey and Joshua they are grilling barbeques and meat. Si Hanna at Louise naman ay nag-aayos sa mesa. Bien is the one who’s in charge at assembling the tent. "Good evening world!" maingay na bati ni Louise. "Ang aga ninyo, ha!" sarkastikong sabi ni Hanna. "Well, we're VIP’s." Sabi ni Bianca at humalo kila Hanna. "Ikaw, Bien? Ayos ka lang dyan?" tanong ni Joey at sumulyap sa’kin. "Hoy, Alexie! Tulungan mo si Bien. Maawa ka, kanina pa ‘yan dyan" utos ni Joshua. "At bakit kasi dalawa kayong nag-iihaw? Kung tinulungan niyo siya edi tapos na!" Nilagay ko sa gilid ang mga bitbit kong gamit bago lumapit kay Bien na tahimik na nag-aayos. Tumulong ako at pawisan na nang matapos kami. "Did Bianca forced you?" tanong ni Bien habang nakaupo kami sa lounger. "Medyo? Alam mo naman ‘yon, mapagpilit." He laughed. "Buti at sumama ka--" "Hoy! Anong ginagawa niyo? Tumulong kayo rito at maya na ang bebe time! Ikaw, Lexie phone mo may missed calls." Sigaw ni Louise. I thought it was a missed calls from Papa but I am mistaken, kay Lay ang missed calls na ‘to. Ano naman? Naupuan niya ang phone niya at napindot na naman? Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mensahe niya. Lay: Kumain ka na? Lay: Ako? Ano ba syempre kumain na ako. :) Lay: Ingat diyan, ha? Ako pa rin naman uuwian mo ‘diba? You: Trip mo? Akala ko ba para sa utang mo ‘to? Lay: Okay. I won't annoy you anymore. Enjoy! :) Pagkatapos mag-ihaw at magluto nila Joey ay inilapag na nila sa mesa ang lahat. "Ano, kain na?" ani Bianca. "Dasal muna," sabi ni Joshua. Louise lead the prayer, syempre dahil gutom at pagod mabilis kaming nagsimula. "Hoy, puro ka lettuce! Ayaw mo nitong meat?" Puna ni Bianca at tinaas ang barbeque. "Okay na ako nito." "Alex, phone mo umiilaw." Sabi ni Joey kaya napatingin ako sa cellphone ko. Si Lay na naman. I answered the call irritatedly. "Ano?" "Woah, chill! Nakalimutan ko ‘yung cap ko sa unit mo," "So, hinihingi mo code number ko, hmm?" "Parang ganoon. Nandoon ‘yung gagamitin ko--" "Don't you have an extra cap?" "Wala nga," "052097." "Thank you. See you tomorrow," "Hoy, huwag mong pakialaman ‘yung mga gamit ko. Yari ka sa’kin pag-uwi ko!" panakot ko. When I ended the call I looked at my friends, their eyes are all on me. Nagtaas ako ng kilay and then Bianca, Louise and Hanna screamed. "Boyfriend mo?!!" sabi ni Hanna at humagikhik. "Oh my God! I thought you don't care about lovelife?" Tili ni Bianca. "Sino? Share naman. Madamot ka," nguso ni Louise. Umirap ako sa reaksyon nilang tatlo. "A friend, it's a friend." "Friend? May friend ka bang ‘di namin kakilala?" Kunot noong sabi ni Joey. "We all know your friends, Lexie. It's either schoolmate or batch mo noong highschool." Sabi naman ni Josh. "Lay. It's a guy, right?" seryosong tanong ni Bien. Halos masamid ako nang banggitin niya ang pangalan ni Lay, mas lalong kumantyaw ang tatlong babae. "I just met him accidentally," sabi ko para magtigil na sila. "Destiny na ba ‘yan?" ngisi ni Bianca kaya tumawa ako. Hindi sila matahi-tahimik at kinukulit ako kung sino ba raw si Lay. Kung hindi pa sila pinagalitan ni Bien hindi nila ako tatantanan. Napagkasunduan namin na kahit ngayong gabi lang na huwag mag-aral kaya naman naligo kami sa swimming pool. We deserve a rest naman kahit papaano. I mean yes I had a rest last week since medyo hindi busy pero ngayong week na ‘to magiging panda na naman ako. For sure tambakan na naman ng school works. Noong sinabi ni Bianca na sleepover plus study together hindi ako naniwala since mahilig sila sa mga ganito, parties and such. Kagaya ng sabi ko maaga kaming nagising kinaumagahan. Alas syete y media nang makarating kami sa paaralan. As usual the whole day is tiring yet fun. "May practice game ako!" sabi ni Joey. "May game ako," sabi naman ni Josh. "Ako, may meeting sa club namin." Sabi naman ni Louise at ngumiwi. "Kasama ko si Hanna," "Ano ba ‘yan akala ko pa naman makakapag-study ako kasama kayo." Nguso ni Bianca. "May early dinner ako with fam." "Kami na lang ni Bien," sabi ko at tumingin kay Bien. "Sa unit ko tayo," ngiti ko. "Ano?!" Sabay sabay nilang sabi. "Sa unit ko. Anong mali? We're friends!" irap ko sakanila at hinila si Bien. "Tara na nga. Bye una na kami!" paalam ko. "Dre, ingat ka!" pahabol ni Joshua at humaglpak. "Sana buhay ka pa bukas, dre." sabi naman ni Joey. Umirap ako at sumabay sa lakad ni Bien. Bien and I are close since the day I went here, he's my first friend. "Bien, sa akin ka na kumain ng dinner." Sabi ko habang nasa elevator kami. "Ako na magluluto," "Hindi ka marunong, ‘no!" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, the door of the elevator opened. I typed my code, mabuti at naglinis ako kung hindi aasarin ako nito. Naupo siya sa couch at nilapag ang mga gamit sa center table. Dumiretso akong kwarto para magpalit ng pambahay at halos tumili ako sa sobrang gulat ng makita si Lay na nakahiga sa kama ko at pagod na pagod. He's sleeping peacefully, yakap yakap niya ang unan ko. Hindi ko na siya ginising at sobrang himbing ng tulog niya kaya sa banyo na ako nagpalit. Lay spend the day cleaning my room, it looks really clean. Noong iniwan ko 'to malinis pero hindi as in na malinis, pero ngayon? Sobrang linis at mukhang nag-mop pa. We spend our time studying together noong naumay nagluto ako ng ulam namin. Bien is sleepy kaya mabilisan lang siyang kumain. "Una na ako, Alexie." paalam niya. "Sure. Ingat, Bien! See you tomorrow," I waved my hand. When I turn my back and closed the door bumungad si Lay. "Kanina ko pa gustong lumabas, tagal naman nung bisita mo." sabi niya at inayos ang magulo niyang buhok. "Bakit hindi ka lumabas? Sinabi ko bang magkulong ka sa kwarto ko?" "‘Coz I respect you. Baka kung anong isipin nung manliligaw mo na may lalaki kang kasama rito." ismid niya. "Excuse, dadaan ako." sabi niya, and then I realized I am blocking the door. "May niluto ako baka gusto mong kumain," sabi ko. "I am fine, Alexie." "‘Tsaka..... hindi ko manliligaw si B-Bien. He's a friend." Sabi ko at nagbigay ng space sa daanan niya. "Okay," kibit balikat niyang sabi. "Anyways, thank you for cleaning my unit. Much appreciated," I naturally said. Hindi siya sumagot at tuluyang umalis. Napairap ako. Ang sungit ha! Mukhang pangit yata ang gising. Kung ayaw niya edi huwag. Gutumin ka sana!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD