Venus Sebastian Bigla akong nag-iwas ng tingin kay Ace na matapos akong taasan ng boses ay biglang hinagod din ng tingin ang katawan ko. Pakiramdam ko na naging hubad ako sa paningin ng lalaki. Balot man ang katawan ko pero kita naman ang hubog no’n. Narinig ko ang pagtikhim ni Ace kaya muli akong tumingin sa kanya. Deretso ko siyang tiningnan sa mata at hindi nagpaapekto sa makalaglag panty nitong presensya. “Sinabi ni Ma’am Sofia na may itatanong ka raw na importante, Sir. Pwede po ba na itanong mo na para makahabol ako sa sinasakyan nila?” Pinilit kong magmukhang magalang, afterall, he is my boss. Hiwalay dapat ang personal sa trabaho dahil pinapasahod naman ako ng tama ng kumpanya. “I’m afraid na hindi ka na makakahabol sa kanila. Wala pang traffic at malayo na ang tinakbo nila.

