Venus Sebastian Halos 30 minutes na ang na-byahe namin nang biglang hininto ni Ace ang sasakyan sa isang fastfood chain along highway. Doon ko lang na-realize na gutom na ako. Hindi ako nakapag-agahan pero may pinabaon naman sa akin si Ate Amor na sandwich. Hindi ko lang nagawang kainin dahil nahihiya naman akong ngumuya habang nagda-drive si Ace. Nagpatugtog na lang din ako ng music sa cellphone at nagsalpak ng earphone sa tainga para hindi na maririnig pa ang mga buga ng hangin ni Ace. Alam ko naman na kapag gano’n si Ace ay may kinainisan ito at nagpipigil lang ng galit. Nang tiningnan ko pa ang lalaki kanina nang nagsisimula pa itong mag-drive ay kita ko ang ugat sa kamay nito at mahigpit ang kapit sa manibela. Parang doon binubuhos ang inis na nararamdaman. Nakakabwisit lang di

