Venus Sebastian Nang makarating kami sa station sa ibaba ng bundok ay may mga tao doon na nag-a-assist sa mga mountaineer. Mga nakatira siguro sa kalapit na lugar na ginawang hanap-buhay ang mga nagpupunta doon sa lugar. Nakita ko ang isang malaking canopy tent sa isang banda. May tarpaulin ng kumpanya namin at may mga kumpulang ng tao na naroon. Mga drivers na nagdala sa amin dito. Ang iba ay alam kong mga staff na kinuha para mag-assist sa aming mga empleyado sa lahat ng personal namin na kailangan hanggang sa makababa ang lahat ng safe. May medics pa na naroon Pero nalaglag ang balikat ko nang wala man lang akong natanaw na isa man sa officemate ko. Iniwan na talaga kami ni Ace para sumunod na lang sa kanila. Baka ang layo na nila dahil halos kulang isang oras ang nakalipas mula nang

