Venus Sebastian “Teka, paanong magkakaroon dito ng kubo?” Pigil ko pa kay Ace habang buhat ako pero hindi man lang ako nito pinansin. Nakikita ko ang focus ni Ace sa nilalakaran niya. Tapos puno pa rin ng pag-aalala ang mukha nito. Nangyari naman na sa akin ang ganitong tapilok sa paa at sigurado naman akong hindi ito malala, baka mamaya nga ay okay na ako. Masama lang din talaga pati ang pagkakabagsak ko dahil sa dami ng dala ko kanina. “Ace! Ang mga gamit ko! ‘Yung mga gamit natin. Baka mawala!” muling tawag ko. Sandaling huminto si Ace para tingnan ako. Parang nabigla naman ako sa ginawa nito. Sa itsura namin ngayon at magkalapit ang mga mukha namin ay nakaka-conscious man ay nilabanan ko ang tingin ni Ace. “Don’t worry, babalikan ko ‘yon. Mas importante ka! I’ll bring you to a sa

