Venus Sebastian “Okay ka lang, bhe?” “H-hah? Oo naman!” Bigla ay sumeryoso ako ng mukha at nag-focus doon sa tinuturo ni Deserie. Napatulala naman pala ako. “Sabihan mo lang ako kung di mo gets, ha?” Tumango na lang ako kay Desirie at nag-focus sa sinasabi nito na kailangan ko para sa client meeting mamaya. Ayoko naman na mapahiya mamaya kapag kasama ko na si Ace at walang maisagot kapag may tinanong sa akin. Bigla kasi ay sumisingit si Ace sa isip ko kaya nawawala ako sa focus. Sumisingit ‘yung eksena namin kanina sa pantry. Matapos ko siyang kwestyonin kung bakit doon siya kakain ay ito pa ang nagsungit sa akin na wala akong karapatan na tanongin siya. Pero may point naman si Ace, kaya lumipat ako ng kabilang mesa at kumain ng tahimik nang nakatalikod dito. Hindi ko naman mar

