Venus Sebastian “Halika na, Jennifer! Breaktime na!” Malakas na tawag ni MJ sa mula sa cubicle nito. Bigla ay napatingin ako sa kinaroroonan ni MJ. Nakatayo na ito. Matapos tingnan ang oras sa wristwatch ay nagpameywang ito at hinintay si Jennifer. “Saglit lang girl. Ang kulit kasi ng contractor ng CR ni Sir. Need kong gawan ng payment request itong progress billing na pinadala sa akin para maipasa ko na sa accounting department. Baka mamaya ay hindi pa matapos sa target date ay malintikan ako. Alam mo naman na masungit ang boss natin!” Buong buo kong narinig ang reklamo ni Jennifer kahit wala na doon ang tingin ko sa kanila. Napapailing na lang ako at naaawa na sa laging reklamo ni Jennifer sa trabaho. Wala naman ng ibang empleyado dito sa area namin. 12:05 pm na. On the dot nagsi

