Venus Sebastian "Good morning, Venus!" Napalingon ako habang naglalakad sa hallway. Papunta na ako sa dining area para mag breakfast. First time ko sumabay sa pamilya Ibañez kaya labis ang kaba ko. "Sir Grayson! G-good morning!" Napahinto ako. Napansin ko kasi na lalapitan ako ng lalaki. Nakangiti lang sa akin si Sir Grayson hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa akin. "Don't be too formal. You're going to be part of the family. Just call me Gray." Huminto muna sandali si Grayson at nakita kong pinasadahan niya pa ng tingin ang mukha ko. "Tingnan mo nga naman ang swerte ng Kuya ko." "Huh?" "He's really lucky na ikakasal siya sa'yo. Para siyang nanalo sa lotto. He is too old for you... mas bagay sa'yo... yung mga nasa 23 lang ang edad..." Tinawanan ko na lang si Grayson at naglaka

