Venus Sebastian "Apo, gising ka na ba?" Nauliningan ko ang mahihinang katok ni Lola sa pinto. Nakapikit pa ang mata ko pero nagising na ang diwa ko. Ayaw ko pang dumilat dahil pakiramdam ko ay kakatulog ko pa lang. Dinedma ko ang katok ni Lola dahil feeling ko ay kapag bumangon ako... mag-collapse lang ako sa tindi ng puyat ko. Alam ko naman na pwede na akong gumising ngayong araw kung kailan ko gusto. Kagaya ng sinabi sa akin ni Donya Natasha. "Apo! May kailangan ka pang puntahan! Kailangan mo ng gumising." Muling tawag ni Lola. Ayoko pa talagang bumangon. Pero naaawa naman ako kay Lola Lisa na baka kanina pa ako tinatawag. Baka mapangal na ang bibig nito. Kung saan ako pupunta ay hindi ko naman alam. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Umagang umaga ay na-disappoint ako dahil

