Venus Sebastian “Sir Ace! ‘Wag niyo naman pong pagsalitaan ng masama ang apo ko. Mabait na bata po si Venus!” “Lola, tara na…” Aya ko. Ayokong nakikita siyang nagmamaka-awa sa kahit kanino. Mas nasasaktan ako. Pero hindi naman nagpatinag si Lola. “Malandi ang apo mo, Nanay Lisa! Paano niya ipapaliwanag na nakarating siya sa kwarto ko kagabing lasing ako.” Puno ng galit ang tingin ni Sir Ace kay Lola tapos binaling niya ang tingin sa akin. "Sinamantala niyang lasing ako para mapikot! Why? Dahil nalaman mong may girlfriend na ang nilalandi mong si Grayson? Naghahanap ka ng mapeperahan!?” Nakuyom ko ang palad sa narinig kay Sir Ace. Ayaw pa rin na tumigil ang luha ko at naramdaman kong hinihimas ni Lola ang likod. "Get out of my room! Now!" Mataas ang tono ni Sir Ace no'n at naramdama

