Venus Sebastian “Hija, sandali!” Naramdaman ko naman ang hawak sa likod ng doktora habang doon ako nakatingin kay Doc Jino na nagulat sa ginawa ko. Hindi naman ganoon kalakas ang boses ko kaya sigurado akong hindi maririnig ni Kuya Anton na nasa labas pa rin. “Kukunin nila ang baby ko…” sambit ko habang lumuluha. Mas kumunot ang noo ni Doc Jino na nililibot ng tingin sa mukha ko. Malapit lang ang distansya namin kaya mas nakita ko kung gaano ka-gwapo ang mukha nito. “S-sino? Bakit nila kukunin?” Naguguluhang tanong ni Doc. “Hija, please relax.” Singit ni doktora. “Hindi pa naman kita nate-test kung positive.” Bigla ay tila natauhan ako. Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak ko kay Doc at binaling ang tingin kay doktora. Sa amo ng mukha nito ay hindi ako nangingimi na magsabi

