Venus Sebastian Hindi pa rin ako makakilos at binuhos ko na lahat ng luha sa loob ng dati naming kwarto ni Ace. Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatitig pa rin doon sa cheque na hawak ko. Ayokong kunin ‘yun dahil pinamukha lang niya sa akin kung gaano ako kababang babae. Bayaran lang sa panggagamit ng katawan ko. Nagpakasasa lang siya sa akin. Twenty million. Napakalaking halaga no’n at makakabili ako ng bahay at lupa. Pero wala akong balak kunin dahil walang katumbas na halaga ang pag-ibig ko sa asawa ko. Alam kong hindi praktikal pero pinunit ko ‘yun. Hindi na rin iyon maipapa-encash sa bangko dahil nabasa na ng luha ko. Nalukot na. Sunod kong hinubad ang wedding ring namin ni Ace. Pati na rin ang diamond ring na binigay nito sa akin nang nasa Cavite pa kami at nagha-hon

