Venus Sebastian AFTER 5 YEARS… “Saavedra, Michael!” “Sh*t! Ako na ang next!” kinakabahan na sabi ko sa isip habang naghihintay sa gilid ng stage para tawagin ang pangalan ko. Kinakabahan ako kahit naka-attend naman ako ng practice. Hanggang sa nakita ko na tapos nang makipagkamay ang classmate kong si Michael sa mga taong nasa stage. “Sebastian, Venus, c*m laude.” Nagpakawala ako ng buga ng hangin sa dibdib para mabawasan ang kaba. Narinig ko pa ang palakpak ng mga classmate ko nang nagsimula akong humakbang sa ilang baitang ng hagdan bago tuluyang makaakyat sa stage. Bawat hakbang ay kalkulado ko. Ayokong matapilok o madapa. Ayokong sirain ang moment na ‘to. Bawat hakbang ko sa simula ng katuparan ng pangarap ay inaalay ko kay Lola. Hindi man ang pangarap nitong summa c*m laude ay

