Venus Sebastian “Manong, may ibibilis pa po ba tayo?” tanong ko sa taxi driver. “Naku, hija, baka mapabilis din ang pagkikita namin ni San Pedro.” Sagot naman ng taxi driver na sumulyap pa mula sa rearview mirror at pinasadahan ng malagkit na tingin ang mukha ko. “Tsk…” Napatingin ako sa wristwatch at 30 minutes na lang bago ang scheduled interview ko. Napapailing na lang ang driver sa akin. Mukhang natatarayan sa akin. Paano ba naman kasi s’ya hindi babagal sa takbo ay puro sulyap yata sa mukha ko ang ginagawa. Napabuntong hininga na lang ako at hinalukipkip ang bag. Tama naman si manong dahil mas importante ang safety ko kaysa maka-abot sa interview ko ngayon sa trabaho. Tumingin na lang ako sa kalsada habang tumatakbo ang sasakyan. Nag-alala kasi ako kanina dahil may sinat si si

