Venus Sebastian Napabuga ako ng hangin sa dahan dahan na pagbukas ng pinto. “Good morning, Sir.” Magalang na sabi ni Ma’am Sofia sa lalaking busy sa pagtipa sa laptop nito. Bigla akong kinabahan dahil kunot pa ang noo ng CEO habang doon pa rin nakatingin sa screen ng laptop. “Good morning, Mr. Corrales. This is Venus Sebastian. Bagong employee po natin dito sa admin department.” sabi ni Ma'am Sofia. Doon lang nag-angat ng tingin ang CEO. Sandali itong natigilan at hinagod ng tingin ang katawan ko hanggang sa tumigil sa mukha ko. Ilang sandali ay ngumiti na ito ng matamis sa akin. Doon lang nawala ang kaba ko. Tumayo si Mr. Corrales at lumapit naman kami sa table nito. Kinamayan ako. Naramdaman ko pa ang pagpisil nito sa kamay ko bago bitawan. Naiilang tuloy akong ngumiti sa may edad

