Venus Sebastian “Paanong? Anong ginagawa niya dito? Anong nangyari? Bakit hindi na siya CEO ng Ibañez Shipping?” Sunod-sunod na tanong ng isip ko… pero ni isa ay wala akong maapuhap na sagot. Parang biglang na-stroke ang mata ko na hindi ko na maikurap man lang dahil sa gulat. Grabeng pasabog naman ang araw na ito. Bakit siya pa ang magiging bagong CEO ng kumpanya? Sa dinami dami ng kumpanya sa Plipinas ay bakit dito pa? Grabe naman na coincidence ito. Hinampas na naman ako ng katotohanan na langit siya at lupa lang ako. Bakit ba ayaw akong tantanan ng kamalasan? Bigla na lang akong napakislot sabay alis ng tingin kung saan nakatayo si Ace. Kinakalabit kasi ni Mary Jane ang braso ko. Nang nilingon ko si MJ, nakita ko pang nakakagat labi ito. Parang kinikilig na hindi ko maintindihan

