Venus Sebastian Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nakaka-ilang type na ako sa laptop ay panay bura ko ng details doon sa report na kailangan kong i-analyze para sa kakailangan ni Ace. Kapag proofread ko kasi ay mali pala ang nailagay ko. Nilapitan kasi muli ako ni Ma’am Sofia at sa akin inutos itong report na kailangan daw ni Ace. Ang iba kong ka-department ay busy na doon sa area na kailangang ayusin. May cabinet kasi doon na naroon ang mga hardcopies ng kung ano-anong reports namin. Kailangan na maialis ‘yun doon dahil ngayong gabi rin pala uumpisahan ng contractor ang pag-check sa area at makagawa na ng design para sa CR. Si Jennifer ang in-charge doon sa pakikipag-coordinate ng construction ng CR. Busy silang lahat. Samantalang ako ay hindi lang sa trabaho busy ang utak, pati na

