Continuation… Ngayon pa lang na nakita ko si Venus ay problema ko na kung paano magpipigil sa pagnanasa ko sa kanya. Habang ka-meeting ko ang mga manager’s ay ang babae kaagad ang tumakbo sa isipan ko. Nang pumunta na ako sa CEO office ay nakita ko pa si Venus na nagpupulot ng documents na nahulog. Pero umigting ang panga ko nang makita ang isang empleyado na tumutulong kay Venus magpulot. Imbes na doon sa mga papel ay sa hita ni Venus nakatingin. “F*ck!” May kung ano sa damdamin ko na gusto kong dukutin ang mata ng lalaking iyon para hindi na tingnan si Venus. Umiiwas ng tingin sa akin si Venus. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ng CEO office ay doon ko naramdaman na mas naninikip ang pantalon ko. Nabuhay nang tuluyan ang init sa katawan ko lalo na nang nasilayan ang legs ni Venus kanin

