Ace Bryan Ibañez Kagaya nang nakita ni Venus matapos ko silang mahuli ni Grayson ay pinagsusuntok ko pa ang dingding hanggang sa magdugo ang kamao ko. Nang gabing naghiwalay kami ni Venus ay nilango ko pa ang sarili ko sa alak. Gusto ko na lang na ‘wag magising kinabukasan para hindi ko na maramdaman ang sakit. Lumipas ang ilang araw na nagkulong ako sa kwarto. Sa sobrang sakit ng dinanas ko ay nag-isip pa ako ng masama sa sarili ko. Good thing my dad is always looking after me. Hindi niya ako hinayaan na ipahamak ang sarili ko. Kasama sa pag-alis ni Venus ang katinuan ko. Para akong mababaliw kakaisip kung saan ako nagkulang. Dahil lang ba sa agwat namin sa edad? Binigay ko ang lahat pero kulang pa rin. Naghanap pa rin siya ng mas bata sa akin. Halos dalawang linggo, na hindi ako p

