Venus Sebastian Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakikita si Sir Ace na galit doon sa lalaking nambabastos sa akin. Kinabahan ako na baka magkagulo dahil pinipilipit nito ang kamay ng lalaking bastos pero ilang sandali ay marahas nitong binitawan ang kamay ng bisita at pabalyang binalik sa lalaki. Na-magneto ang tingin ko kay Sir Ace ay hindi ko na pinagkaabalahang tingnan ang lalaki kung ano ang reaksyon nito. Sinamantala ko na wala sa akin ang tingin ng amo ko. Pero mas matinding pagkagulat ang namayani sa akin nang medyo bumaba ang tingin ko sa bandang braso nito. “My God! Nakahubad si Sir!” Kitang kita ko kung gaano kaganda ang biceps ni Sir Ace. Mamasel. Saktong muscle na hindi nakakatakot tingnan. Meron kasing mga biceps na takot akong tingnan dahil sobrang laki. Pero yun

