Ace Bryan Ibañez
“D*mn it!” I was so consumed by anger that I slammed the door when I returned to my room.
That stupid girl named Venus ruined my day! Again! Siya pa lang ang kasambahay na nagawa akong sagot-sagutin ng gano’n.
Nagpunta ako sa couch at naupo doon. I need to calm down.
D*mn her! Ilang gabi na siyang hindi naalis sa isip ko simula nang unang beses ko siyang makita. And I hate it!
Well, I admit that she is really beautiful and the first time I laid my eyes on her ay naakit ako. Her eyes are expressive na kapag tiningnan mo ay parang ayaw munang tumingin sa iba. And f*ck! Her lips… she didn’t even need a lipstick to make it kissable. I can’t understand myself na nakakaramdam ng ganito sa isang babae na bata pa.
But I’m sure na nagandahan lang ako sa kanya. Kakaibang ganda meron ang batang iyon. Parang laging nang-aakit. Like Melody, my late wife… na sa unang tingin ko pa lang ay naakit na ako.
That’s why I’m doing my best para mainis ang Venus na ‘yon sa akin at mapilitan na lang na umalis dito sa mansion at hindi na niya magulo ang isip ko. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko na unang araw pa lang ay ayaw nang pumayag na papalayasin ko ang babaeng iyon.
I really mean it, na ayokong makita na ang mukha ng babaeng iyon mula nang araw na sumablay siya sa pagtitimpla pa lang ng kape ko. Good thing I have a reason para mainis ako sa kanya. Tinaga ko sa isip kong tatanga-tanga ang Venus na ‘yun para lalo akong makaramdam ng inis kaya nang nahuli ko siya na naglilinis ng kwarto ko kinabukasan ay binulyawan ko siya.
Nang mga sumunod na araw ay mas naging visible na si Venus sa mata ko dahil si Mommy ay madalas na nire-request na si Venus ang mag-serve ng pagkain lalo na sa umaga, kahit alam naman ni mommy na nag-iiba ang timpla ng mood ko kapag nakikita ko ang babae.
Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalong gumaganda si Venus sa paningin ko kaya mas lalo akong naiinis sa kanya. Pati ang pinsan ko na si Grayson ay masyadong halata na may gusto rin sa kanya. Kaya bukod sa madalas na pagiging sumbungero at sipsip ni Grayson sa mommy ko ay lalo pang nadagdagan ang inis ko sa pinsan ko.
Then, napatunayan ko na kagaya lang pala si Venus ng namatay kong asawa na si Melody. They are both golddigger. Parehong malandi! Lalo na kapag alam nilang may mahihita sila sa lalaki! Isang beses ay nakita ko siyang pinagtitimpla ng kape at nakikipagngitian kay Grayson doon sa may garden.
Si Grayson na alam kong isang beses ay nasabihan ni mommy na huwag pumatol sa isang katulong at sinabi pa ni mom kay Grayson na nahahalata niya ang pagkagusto ng pamangkin kay Venus… I heard that one time. Malamang na napapansin ni mommy na madalas na nagpapapansin si Grayson sa apo ni Nanay Lisa.
Masunurin si Giovanni at Grayson kay mommy kaya alam kong susundin ni Grayson si mommy at iiwas kay Venus. But obviously, may gusto si Venus kay Grayson at ito mismo ang lumalapit sa lalaking iyon. Halos gabi-gabi ay minamasdan ko siya habang kinakausap si Grayson doon sa may garden. Pinagtitimpla niya ng kape ang binata, and they are chitchatting.
Mas lalong kumukulo ang dugo ko kay Venus kapag nakikita silang magkasama ni Grayson. She’s obviously seducing my cousin. Lagi kong inaabangan ang dalaga sa bintana tuwing gabi habang kausap si Grayson. I’m stalking them.
Sa ginagawa ni Venus na pag-seduce sa pinsan ko ay mas naaalala ko ang namatay kong asawa dahil sa pagiging golddigger nito. Naalala ko si Melody kung paano ang masaya naming pagsasama ay nauwi sa hiwalayan.
Melody is an employee of Ibañez Shipping Corporation before. Unang beses pa lang nagsalubong ang tingin namin ay naramdaman ko na magiging future girlfriend ko siya. Hindi pa ako CEO that that time nang una ko siyang nakilala.
Simple lang si Melody pero ang lakas ng dating. She’s beautiful, kaya unang kita ko pa lang sa kanya ay nahumaling na ako sa kakaiba niyang ganda. Pero nang mas nakilala ko siya ay mas lalo akong nahumaling sa kanya dahil sa ugali niya. Mabait si Melody, maalaga, she’s a wife material kaya hindi ko na pinatagal at binakuran na siya. Madalas ko siyang i-corner at ninanakawan siya ng halik.
Nahirapan akong ligawan si Melody dahil hindi nito tanggap ang agwat namin sa estado. She’s poor. Breadwinner at maraming obligasyon sa buhay. Pero ang lakas na ng tama ko kay Melody. Babae ang lumalapit sa akin kaya hindi ako sanay manligaw. Pero iba si Melody, pinaghirapan ko na makuha ang matamis niyang ‘oo’ na binigay niya sa akin matapos ang halos kalahating taon ng panliligaw.
Hanggang sa wala pang isang taon kaming magkasintahan ay inaya ko na siyang magpakasal. Sigurado na ako sa kanya. Masaya kaming nagsama ni Melody. Almost 2 years na kaming mag-asawa nang mahuli ko siya sa akto na may kaulayaw na ibang lalaki. Doon pa sa sarili naming kama. I just returned from business trip that time at kulang na lang na makapatay ako nang mahuli ko si Melody having s*x with one of my business partner, which is also mom’s friend na madalas na dumadalaw sa mansion.
Kaya pala madalas ang pagdalaw nito ay pati ang misis ko ay dinadalaw. Halos nagwala ako nang nasaksihan ko ang pagtataksil ng pinakamamahal kong asawa. Doon ko nalaman na kasabay ng pagpapakasal namin ay matagal na akong niloloko ni Melody. Kapalit ng pera. Mayaman ako at binibigyan ko na si Melody ng maraming pera, pero hindi ko akalain na maghahanap pa siya. Hindi ako nagkulang sa kanya, minahal ko siya. I’m faithful to her pero niloko lang ako.
Hindi ko matanggap na niloko lang ako ng asawa. Wala akong kamalay-malay na dalawang taon pala akong may ip*t sa ulo. Nagpanggap lang pala siya na hindi interesado sa pera ko, but in fact pakitang tao niya lang iyon. Pinalayas ko si Melody sa mansion at isang araw matapos na umalis sa amin ay nabalitaan kong namatay na siya. Naaksidente ang sinakyan ni Melody na tricycle nang malapit na siya doon sa bahay nila sa probinsya. Halos hindi na nakilala ang bangkay niya nang nasunog ang tricycle.
Magkahalo ang naramdaman ko sa pagkamatay ni Melody. Pati guilt na hindi dapat mamamatay ang asawa ko kung hindi ko pinalayas. Pati ang pamilya ni Melody ay nagalit sa akin at nanghingi ng 50 million para raw kabayaran sa pagkawala ng anak nila. Hindi ako nagdalawang isip at binigay ang pera kung iyon ang magpapagaan sa loob nila.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang patawarin si Melody kahit nasa kabilang buhay na siya dahil sa pagtataksil niya. Simula nang mamatay ang asawa ko ay pinangako ko sa sarili na laruan ko na lang ang mga babae. Wala akong seseryosohin kahit isa.
Habulin ako ng mga babae at hindi ko kailangan na ipagpilitan ang sarili ko sa kahit kaninong babae. Sila ang kusang lumalapit sa akin kaya sagana pa rin ako sa s*x kahit single. Hindi ako nauubusan ng f*ck buddies. Sila pa ang nagmamaka-awa.
That’s why kahit pilitin ako ni daddy na mag-asawa ay tumatanggi ako. Nadala na ako sa mga babae. I know my dad wanted to have a grandchild. I am the only child kaya ako lang ang pag-asa niya. Masyado raw tahimik ang mansion at gusto na niyang mag-alaga ng apo. Pero hindi ko kayang sundin si daddy na magpakasal ako kung kanino niya gusto. I don’t plan to get married.
Kung bakit naman kasi na hindi na ako nasundan at nagkaroon ng kapatid. Para naman may ibang aasahan ang mga magulang ko para sa pangarap na apo. Maybe they are both busy. May businesses rin kasi ang mommy ko. Madalas siya na out of the country. Natatandaan ko pa lalo na ng kabataan ko na nangibang bansa si mommy at halos taon bago bumalik sa Pilipinas. She’s very busy. And my dad, naging busy sa pagpapalago ng business namin.
“Sir Ace!” I heard manang Ime knocking on the door.
Tumayo ako at agad na pinagbuksan ng pinto si manang. She looks scared when she saw me. Maybe because of my expression. Hindi ko pa rin kasi maitago ang inis ngayon.
“Why manang?”
“Pinapatawag po kayo ni Don Ramon. Magpunta raw po kayo sa office niya.”
I nodded. Matapos ay pinagsarhan ko si manang ng pinto matapos sabihin na susunod na lang ako. Muli akong bumalik sa couch at hinilot ang sentido. Pinilit kong ikalma ang sarili dahil sa inis na nararamdaman kay Venus. Lalo na at malinaw pa sa mata kong nakikipagngitian siya kay Grayson kanina.
Pero parang balewala ang ginawa ko dahil gano’n pa rin ang pakiamdam ko. I decided to see dad. Ayaw no’n ng pinaghihintay. Kaya kahit gusto ko pang magwala sa inis ay lumabas na ako.
Halos masira na ang pinto dahil sa pabalibag na pagsara ko. I don’t care kung marinig ng birthday boy na si Giovanni ang ingay na nilikha ng pinto. Katabi ko lang ang kwarto nito. I’m not sure if he’s inside his room. Maybe he’s still sleeping because he went home late. Hindi ito nakasabay sa breakfast kaninang umaga.
Nag-advance birthday celebration na siya kasama ang mga kaibigan niya kahapon. But he’s not just celebrating his birthday today. I heard my mom and dad about their plan to make Giovanni one of the Board of Directors of one of our newly established company.
Ang galing talagang sumipsip ng lalaking iyon sa mga magulang ko. That Giovanni and Grayson, na sampid lang sa mansion na ito, masyado ko nang napapansin na lagi silang nagpapabida sa mga magulang ko.
Pati birthday ni Giovanni ay pinag-aksayahan ng panahon ni mommy. Natalbugan pa ang birthday party ko nang nakaraan buwan na 36th birthday ko. We just celebrated a simple birthday sa isang hotel kasama ang mga kamag-anak at malapit na business partners.
“Dad, what’s wrong?” I asked that nang makarating sa office nito.
“Hijo, I want to inform you that Raquel is coming to the party later. I want you to entertain her.”
Kumunot ang noo ko.
“Who’s Raquel?”
“Well, you know her… Siya yung dumalaw sa opisina last week. Anak siya ng isa kong kaibigan. I learned that he likes you at gusto kitang ireto sa kanya—”
“Dad! Please. Ayokong makipag-date kahit kanino! That girl is very young!” Pinutol ko kaagad ang alam ko nang gustong ipahiwatig ni daddy.
Here we go again! Madalas na talaga naming pagtalunan ni daddy ang tungkol sa pag-aasawa ko. I don’t need a wife. S*x lang ang gusto ko sa mga babae at nakukuha ko iyon kahit walang asawa.
“Ace Bryan!” Biglang taas ng boses ni Daddy. Kapag gano’n siya ay alam kong seryoso ang galit nito. “Don’t make it hard for me. Kapag hindi mo pa ako mabigyan ng apo ngayong taon ay mapipilitan akong tanggalan ka ng mana. Raquel is already 24. It’s just a 12-year gap, mag-iinarte ka pa ba d’yan sa tanda mo!?”
“What? Are you serious, dad?” hindi ko maiwasan na pagtaasan ng boses si daddy.
“Yes. I’m serious. I want a grandchild, hijo. I’m old, at gusto kong mahawakan ang apo ko bago man lang ako mamatay. Maganda si Racquel, sexy. Batang -bata at may gusto sa’yo.”
“But, dad. I don’t want to get married. Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko…”
“That’s all in the past, Ace. It’s been 6 years at hindi ka pa ba nakaka-move on?” Galit na talaga si Daddy dahil nakakuyom na ang kamay niya na nasa ibabaw ng table. “Give me a grandchild at hindi na kita kukulitin. I don’t care kung sinong babae ang bubuntisin mo… Gusto kong mabigyan mo ako ng apo ngayong taon… Kung hindi ay gagawin ko ang sinabi ko. Tatanggalan kita ng mana!”
“D*mn! Never akong magpapakasal lalo na bata!”
***
Venus Sebastian
“Venus ang tagal mo naman!” Malakas na tawag habang kinakatok ako ni Ate Trish dito pa rin sa kwarto ko.
Tumingin muna ako sa orasan at napansin ko na 20 minutes na lang bago mag-alas otso. Sigurado na nagsisidatingan na ang mga bisita. Pero meron namang mga tao na mag-aassist na doon kaya siguro naman na kahit ma-late ako ng ilang minuto ay hindi ako mapapagalitan
Tapos na akong maligo at magbihis pero basa pa ang buhok ko. Nakatingin ako sa reflection ko ngayon sa salamin at hindi ko nagugustuhan ang nakikita. Sobrang sexy ng suot ko. Paano kapag nakita ako ni Lola na ganito ang suot? Baka ma-shock ang matanda!
Kahit sa bahay dati ay hindi naman ako ganito magdamit. Kasi nga ay pinagbawalan ako ng nanay ko na magsuot ng mga revealing na pambahay dahil hindi ko naman tunay na ama ang kasama ko sa bahay.
Though kaya ko naman magdala ng sexy na damit dahil may mga ilang event sa school na kinuha akong muse ng department namin at nakapag-suot ng sexy na dress. Pero hindi ‘yung ganito na halos kita na ang singit ko. Tapos hapit pa ‘yung crop top sa katawan ko. Kita ang pusod ko.
Tiningnan ko ang bandang likod ko mula sa salamin. Kita ang hubog ng katawan ko. I have a sexy back. ‘Yung nako-cover lang ng suot kong maong short ay ang mismong tambok ng pw*t ko. Kitang-kita ang makinis kong legs.
Hindi ko talaga iyon nagugustuhan dahil ayoko ng mga lalaking tinitignan ako ng malagkit kapag nagsusuot ng sexy na damit. Pakiramdam ko kasi ay sa isip nila ay hinihipuan na ako.
“Venus, malapit nang mag-umpisa!” Napa-iling na lang ako nang ang narinig ko ng kumatok sa pinto ay si Ate Gladdy.
Mukhang naiinis na sila sa kabagalan kong kumilos. Ayoko ng magpa importante kaya kumilos ako at binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko ay nakita ko naman ang panlalaki ng mata nila ate Gladdy at Trish. Natigilan sila at hindi na nakapagsalita. Pareho silang tiningman ako mula ulo hanggang paa.
"My God! Venus ang ganda at sexy mo!" Sambit ni Ate Gladdy na halos lumuwa na ang mata kakatingin sa katawan ko.
Si Ate Trish naman ay nanatiling tulala. Hindi niya maalis ang tingin sa katawan ko partikular doon sa may bandang pusod ko."Ate Gladdy, Ate Trish... pwede bang hindi na lang ito ang maging damit ko? Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong damit.
"Hoy, Venus. Ano ka ba? Kung ganyan ang katawan ko kahit maghubad ako gagawin ko. Diyos mio kahit 18 years old ka pa lang ang ganda na ng hubog ng katawan mo. How to be you ba." Si Ate Gladdy. "Tsaka, huwag kang mahihiya dahil halos lahat ng tao doon naka swimsuit." Muling sabi ni Ate Trish.
Dahil nakita ko na rin ang mga pagmamadali sa mukha nila ay tumango na lang ako. Sa bagay at ilang oras ko lang naman isusuot ito at hindi naman siguro ako mabubuntis sa mga tinginan nila. At hindi naman siguro ako, kami magiging pansinin. Dahil malamang ay nag-e-enjoy yung mga bisita mamaya.
Tiningnan ko naman ang mga suot nila at halos magkakaparehas lang kami na ganun kaiiksi ang damit. In fairness naman na sexy din ang dalawa kong Ate. Pero kung paagtatabihin kami ay aangat ang kaseksihan ko.
"Tsaka kailangan mo na mag-make up! Halika at makeup-an na kita." si Ate Gladdy.
Hindi pa man ako nakakatanggi ay hinila na ako ng dalawa papunta doon sa kabilang kwarto... doon sa may lounge area namin. Tumambad kaagad sa akin ang makeup kit, blower at kung ano-ano pang pampaganda.
"Sigurado maraming mababaliw mamaya kapag nakita ka! Taob mo pa yung mga bisita ni Sir Giovanni malamang." Sambit ni Ate Trish
Bino-blower ni Ate Gladdy ang buhok ko. Si Ate Trish ay nagme-make up sa akin.
Hindi na ako nagsasalita kahit kung ano-ano na ang sinasabi nila sa akin para na rin makapag-concentrate sila sa ginagawa at makaalos na kami dito.
I'm worried na baka pumasok pa si Lola dito at makita pa ako.
Hindi ko pa nakikita ang salamin habang inaayusan ako. Kaya hindi ko alam kung makapal ba ang makeup na inapply sa akin.
"Wow! Bongga!"
Halos sabay na banggit ni Ate trish at Ate Glady matapos nila akong ayusan. Hinarap nila ako sa salamin at kahit ako ay natigilan sa itsura ko. Magaling mag-makeup si Ate Trish. Light makeup lang din ang ginawa sa akin kaya nagustuhan ko ayoko kasi ng sobrang kapal. Yung buhok ko ay medyo ginawa ni Ate Gladdy na curly.
I'm worried na baka pumasok pa si Lola dito at makita pa ako.
Hindi ko pa nakikita ang salamin habang inaayusan ako. Kaya hindi ko alam kung makapal ba ang makeup na inapply sa akin.
"Wow! Bongga!"
Halos sabay na banggit ni Ate trish at Ate Glady matapos nila akong ayusan. Hinarap nila ako sa salamin at kahit ako ay natigilan sa itsura ko. Magaling mag-makeup si Ate Trish. Light makeup lang din ang ginawa sa akin kaya nagustuhan ko ayoko kasi ng sobrang kapal.
Katakot takot na papuri ang inabot ko sa dalawa pa lang. Panigurado na magugulat rin kung sino ang makakakita sa akin dahil nga sanay sila makita ako na parang manang lang dahil sa pananamit. Lagi ng nakapusod ang buhok ko dito sa Valientes. Ngayon parang ibang tao tuloy ako.
Sabay-sabay na kaming tatlo nagpunta doon sa may pool area. Hindi pa naman gano'n karami ang tao at nagpunta kami doon sa may table kung nasaan naroon ng mga organizer.
Habang naglalakad ay naramdaman ko ang tinginan ng mga bisita sa akin. Bakas sa mata nila ang labis na paghanga. Mabuti nga at konti lang ang mga lalaking dinadaanan ko na hindi ko na pinag-aabalahang tignan. Dahil parang pakiramdam ko ay hubad na ang buong katawan ko sa mga tingin nila.
Hindi ko naman napansin si Sir Grayson na malamang ay nandun pa sa loob ng mansyon at baka nag-aayos ng mga sarili nila.
Naglilibot ko ang paligid may halos luwa naman ang mga kaluluwa ng mga bisita. Tama sina Ate Gladdy. Lahat nga sila naka swimsuit. Kaya kahit papaano ay nabawasan na ang hiya ako.
May binigay na sa aming isang tray at may mga drinks doon. Nagsimula na kaming magtrabaho. Inutusan kami na mag-alok ng mga drinks sa mga bisita na naroon na. Maya-maya pa raw kasi makaka-speech ang birthday boy kaya baka mainip ang ilan.
Nang may nakita akong grupo ng mga babae ay sila ang nilapitan ko.
"Good evening, mga ma'am. How about drinks?" nakangiting tanong ko.
Nagsipagkuha naman ang mga inalok ko. Pero ewan ko kung bakit kasabay ng pagsisilbi ko sa kanila ay inirapan nila ako matapos hagudin ng tingin ang katawan ko.
Hanggang sa may grupo ng lalaki mga tatlo sila na magkakausap sa isang gilid ang sumutsot sa akin. Hindi ko maitago ang paniningkit ng mata ko nang lapitan ko sila. Hindi pa man ay pakiramdam ko ay binabastos na nila ako sa malalagkit nilang titig sa akin habang papalapit ako sa kanila.
"Good evening, sir, ano pong gusto niyong drinks?" magalang na tanong ko.
Pero nagulat na lang ako na 'yong lalaking tumawag sa akin ay hinawakan ako sa balikat.
"Miss pwede bang ikaw na lang ang gustuhin ko?" nakangising sabi ng lalaki.
Agad ngangilabot ang katawan ko sa pambabastos nila. Akmang tatanggalin ko sa balikat ko ang palad ng lalaki pero hindi ko na nagawa 'yun dahil naramdaman ko na lang na kusang nawala sa balikat ko ang pagkakalapat ng palad ng lalaki.
"What the heck!" singhal ng bastos na lalaki sabay nakita ko ang pag-ngiwi sa mukha nito dahil mukhang nasasaktan.
Nang tiningnan ko kung bakit ay nagulat na lang ako dahil may katabi na pala ako at hawak nito ang kamay ng lalaking bastos at parang pinipiga iyon kamay ng lalaki. Nagngangalit ang mga panga nito na parang mananakmal.
Agad nagrigodon ang puso ko dahil sa lapit namin ng lalaking laging may epekto sa pagiging abnormal ng t***k ng puso ko.
"Sir Ace?"