Venus Sebastian
"Ano pong sinabi niyo?" dagdag na tanong ko kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkakarinig ko sa salitang golddigger.
Pinakita ko rin sa expression ng mukha na hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Sir Ace. Halata naman na tila nagtagumpay na naman ito na masira ang araw ko.
"Bingi ka ba o tanga, babae? I'm not going to repeat what I've said." sagot ni Sir Ace.
"Habaan mo ang pasensiya, Venus, apo... kung gusto mong tumagal at makapagpatuloy ng pag-aaral." Bigla kong naalala ang bilin ni Lola sa akin isang beses na nagsumbong ako sa pambubulyaw sa akin ni Sir Ace. Gustuhin ko man na bigyan nang sampal ang lalaki ay kailangan kong magtimpi. Hindi ako pwedeng pumatol.
Patuloy pa rin lagabog ng dibdib ko dahil sa pamilyar na kaba na lagi kong nararamdaman kapag napapalapit kay Sir Ace. Pero dahil ininis niya ako ngayon ay sinantabi ko muna ‘yun at inuna ko na intindihin ang inis na nararamdaman.
"Excuse me po, Sir Ace. Busy po ako!"
Sinadya kong ipahalata na naiinis ang boses ko. Humakbang ako at akma na lalagpasan si Sir Ace pero nagulat na lang ako nang hinawakan niya ako sa braso. Napahinto tuloy ako. Hindi lang napahinto... parang nanigas ang buong kalamnan ko dahil tila may kuryenteng dumaloy mula doon sa parte na hinawakan ni Sir Ace at tila bawat himaymay ng katawan ko ay naapektuhan.
Binaling ko tuloy ang tingin kay Sir Ace. Wala sa akin ang tingin niya kundi nandoon sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Mukhang nagulat din siya sa ginawa niya kasi agad rin niya na tinanggal ang kamay niya. Parang napaso siya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Tumingin siya sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Doon ko mas nakita na parang nabigla nga siya pero agad din napalitan ng pagtalim ng tingin niya sa akin.
Ako naman ay hindi alam kung anong ire-react. Kasi ang tindi na talaga ng kabog ng dibdib ko. Nakadagdag na nadikit sa balat ko ang palad niya. First time kasi ito nangyari. Lalo na ngayon na mas malapit siya sa akin at naaamoy ko sa katawan niya 'yong pabangong hinahanap-hanap ko na sa kanya ko unang naamoy.
"I hate people walking away while I'm still talking. Kaya ‘pag kinakausap pa kita, wala kang karapatang umalis hangga't hindi ko sinasabi! Understood, woman?" Sambit ni Sir Ace gamit ang usual na tono nito kapag kinokompronta ako.
Sa halos dalawang linggo kong pagtatrabaho rito ay ang pangalan ko nga yata ay hindi alam ni Sir Ace. O, talagang siguro ay allergic lang sa akin kaya ayaw niyang banggitin ang pangalan ko. Kahit sigurado akog narinig niya naman kapag tinatawag ako ng mga magulang niya tuwing ako ang naghahain sa dining table at naroon siya.
"May kailangan pa po ba kayo, Sir?” Lakas loob na sabi ko. “Alam niyo naman po na may party mamaya at busy ngayong araw kaya kailangan ko na pong magpunta sa pool area para mag-ayos at makatulong."
"I'm just warning you... Kilala ko ang mga tipo mong babae, tigilan mo ang paglalandi sa kahit sino sa pinsan ko!" Ang sabi naman ni Sir Ace na hindi sinagot ang tanong ko.
Pag lalandi agad? Nginitian ko lang at tinimplahan ng kape si Sir Grayson... paglalandi na ba iyon? In the first place, paano naman nito nalaman na nagtitimpla ako ng kape para sa pinsan niya? Hindi ko naman siya nakikita, unless ay nakasilip siya sa bintana ng kwarto niya. Kasi mula doon sa kwarto ni Sir Ace ay tanaw ang table kung saan nagkakape si Sir Grayson.
Hindi ako sumagot at pinilit lang na makipagka-eye contact kay Sir Ace kahit na parang matutunaw na ako sa titig niya. Dahil sa totoo lang nakakapanghina titig niya pa lang. Yung mata kasi niya kahit galit parang laging nangungusap. He has expressive eyes. Kaya siguro unang tama pa lang ng mga mata namin ay natulala na ako. At sigurado akong hindi lang ako ang babaeng nakakaramdam ng ganito kahit sobrang bata ko pa compare sa edad ng amo ko.
"Binabayaran ka para magtrabaho, hindi para mamingwit ng mayaman na lalaki para iahon ka sa hirap. I know your kind!" Dagdag pa ni Sir Ace para lalong kumirot ang dibdib ko sa komento niya.
Hindi ko na kayang tanggapin pa ang sinabi niya sa akin. Ang sakit naman noon! Para naman ang tagal niya na akong kilala para husgahan.
"Sir, grabe naman po kayong magsalita sa akin. Hindi porque mayaman po kayo at mahirap ako ay tatapakan niyo na ang pagkatao ko. Tsaka hindi niyo naman po ako personal na kilala kaya huwag niyo naman po kayong maging judgemental sa akin."
Sobrang sama na talaga ng loob ko sa narinig sa kanya ngayon lang. Ang dami-dami ko na rin naman kasing narinig na pambubulyaw mula kay Sir Ace, pero yung kaninang sinabi narinig ko talagang panghahamak na sa pagkatao ko ang sinabi niya.
Parang wala man lang kabait-bait sa katawan si Sir Ace. Hindi man lang i-consider ang pagiging bata ko. Talagang pinapatulan niya ako kahit ang tanda-tanda niya na. At hindi ko naman maintindihan nang una pa lang ay sinabi niya sa akin na ayaw niya raw akong makita pero itong nakalipas na lingo ay madalas na hinaharang niya pa ako at nag-uutos rin. Ilang beses rin naman niya na sinadyang kausapin ako… para lang pagalitan o mang inis.
Hindi ko maintindihan kung paano ko napigilan ang sarili na hindi maiyak sa sinabi ni Sir Ace. Basta nararamdaman ko na lang yung mata ko parang nagsisimula ng mamasa.
Ilang saglit na nakatingin sa mata ko si Sir Ace. Hindi ko alam kung naawa ba siya sa akin. Bigla niya na lang akong pinaalis at sobrang pasalamat ko na ginawa niya iyon dahil napigilan ko ang pagpatak ng luha.
Nagmamadali akong nagpunta roon sa pool area. Nakita ko doon si Ate Gladdy, nag-aayos ng set up para mamaya sa party. May mga ibang tao rin na naroon na staff ng event coordinator para mamaya. Sila ang magde-design ng area.
"Venus, bakit parang nalugi ka ng 100 million sa negosyo?" Tanong ni Ate Gladdy nang nilapita ko siya.
Napilitan tuloy akong magsabi kay Ate Gladdy ng nangyari kani-kanina lang. Kinuwento ko sa kanya na sinabihan ako ng masungit naming amo ng golddigger.
"Grabe naman yan si Sir Ace! Bakit ba ang hilig niyang pag-initan ka. Hay nako! Hindi kaya nagagandahan siya sayo?"
Bigla tuloy nawala ang inis ko at natawa sa sinabi ni ate Gladdy.
"Grabe ka naman, Ate Glad! Ang tanda-tanda na no’n times two ng edad ko. Bakit naman siya magagandahan sa akin? At kung nagagandahan siya, dapat nga ay Maganda ang treatment niya sa akin.” Ngumuso pa ako na parang batang nagsusumbong sa nanay.
"Ano ka ba… wala naman sa edad iyon! Syempre maganda ka! Ang ganda-ganda mo kaya... lalo na siguro ‘pag naging super dalaga ka na... pag edad mo siguro ng mga 20 plus mas lalo kang maging blooming. Ngayon pa nga lang ay parang napapansin ko
na si Sir Ace ilang beses ko na rin nakita na sinulyapan ka niya, ha!”
Doon na ako nagsimulang mapailing sa mga pinagsasabi ni Ate Gladdy sa akin. Pero ewan ko parang lumundag ang puso ko nang marinig na sinulyapan daw ako ni Sir Ace. At the same time ay naiinis ako sa sarili ko na dapat ay puro inis lang ang maramdaman ko sa matandang biyudo na ‘yun.
"Bakit niya naman gagawin sa akin iyon, Ate? Alam mo namang inis na inis siya sa akin? Ayaw nga yata akong nakikita, eh!"
"Eh kasi nga maganda ka. May mata naman si Sir para makita iyon. Pero syempre hindi ka niya papatulan. Para ka na niyang anak sa laki ng difference ng age niyo. Tsaka gaya nga ng lagi nating pinagtsismisan hindi ngayon mag-aasawa Matapos niyang ma-broken hearted doon sa asawa niyang namatay."
Napabuntong hininga na lang ako matapos sabihin ni Ate Gladdy iyon. Bakit ba ako affected? Crush ko lang naman siya pero dapat nga ay hindi na. Kasi lagi naman niya sinasaktan ang damdamin ko sa mga sinasabi niya sa akin na masasakit na salita.
Pinasya ko na lang na mag-concentrate sa trabaho. Tumigil naman na sa kakadaldal si Ate Gladdy.
Matapos kong tumulong doon sa pool area ay nagpunta naman na ako doon sa kwarto ni sir Grayson at naglinis. Matapos sa kwarto ni sir Grayson ay nagpunta na ako sa kusina para tumulong. Laking pasalamat ko na lang din at hindi ko na nakita si Sir Ace pa.
Sobrang busy ng araw na ito at nang bandang hapon na ay nakapagpahinga naman ako ng kahit 30 minutes. Sumabak akong muli sa pagtulong sa preparation para sa pool birthday party ni Sir Giovanni.
Dumating na ang kinahapunan at nagsimula na ring dumating ang ibang staff doon sa event. Sinama kami sa meeting para sa kanya-kanya namin na gagawin para mamaya sa party. So, kami nila Ate Gladdy at Ate Trish ay additional server doon.
Matapos kaming sabihan ng mga gagawin namin ay sabay-sabay pa kaming kumain muna matapos ay pinabalik na kami sa kwarto at sinabihan na mag-ayos na. Sobrang nahahapo ako kaya nang pagbalik ko ng kwarto ay nagpahinga lang ako ng ilang minuto. Parang pinagpawisan ako ng sobra dahil sa dami ng ginawa ko.
Akmang papasok na sana ako ng bathroom para makapaghanda na sa party mamaya dahil ng tinignan ko ang oras ay 7:00 na at ang party ay magsisimula ng 8:00 pm.
Nang pinagbuksan ko ang pinto ay nakita ko si Ate Gladdy na pumasok sa loob ng kwarto ko tapos inilapag niya sa kama ko yung mga tela na hindi ko alam kung para saan... parang damit ang mga iyon.
Nang kinuha ko at tiningnan ang mga iyon ay napakunot na lang ang noo ko.
"Ate Gladdy, ano 'to?" Tanong ko.
Nagulat ako sa denim short, na kapag sinuot ay sa tingin ko kita ang singit ko dahil sa sobrang iksi. Tapos meron din doon na crop top na sa tingin ko na pag sinuot ko ay magiging habulin ako ng mga lalaki.
"Ano pa. Eh di uniform natin mamaya habang nagsisilbi sa party". Balewalang sagot ni Ate Gladdy na akmang lalabas na ng kwarto.
"Uniform? Akala ko ba bawal tayong magsuot ng sobrang sexy? Bakit parang kita na ang kaluluwa ko dito." Sambit ko.
"Hello, babygirl... Pool party 'yun. Alangan naman na itong mga pang-manang natin na damit ang isuot natin. Tsaka conservative na tayo sa outfit natin na ‘yan mamaya. Kasi mga nakaswimsuit na mamaya ang mga bisita pati sila Sir.”
"Parang nakakahiyang isuot 'to." Muli kong sambit.
"Bakit ka naman mahihiya, feeling ko naman sexy ka. Tingnan mo nga, kahit maluwag mga damit natin, 'yung dibdib mo halatang pinagpala!"