Mahal na mahal kita

2784 Words
Riiiiinnnnnnngggggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!! Tumayo na ang mga studyante at nag-umpisa nang magsitungo sa canteen para sa lunch break. Nagmamadaling lumabas si Melissa nang bigla syang hawakan sa braso ni Karie.  "Hindi ka sasabay samin?" tanong nito na may pagtataka sa mga mata. "Ah eh, hindi na muna siguro. Nagmamadali ako eh!" sagot ni Melissa. "Ganon ba? Marami pa naman 'tong baon kong ulam," mahinang tugon ni Karie sabay nguso. Napangiti naman si Melissa sa reaksyon ng bestfriend nya. Halata namang gusto lang nitong sumama kung saan man sya papunta. Napabuntonghininga si Melissa, "Ganito nalang, libre kita bukas sa MYR Caffe!" masaya nyang pagkukumbinse dito.  "Ummm... sabihin mo makikipagkita ka lang kay Sam. Pero sige na nga, bukas ha?" paninigurado nito bago umalis. Napangisi si Melissa, alam niyang nagseselos ito sa atensyong binibigay niya kay Sam. Kababata niya si Karie kaya kilalang kilala niya na ito. Pagtalikod ni Karie ay mabilis na naglakad palabas ng campus si Melissa. Marami pa syang aasikasuhin para sa anniversary nila ni Sam. Sa five years nilang magkasintahan ay ngayon niya lang naisipan na surpresahin ito. Gusto niyang suklian ang mga efforts nito sakanya sa ilang taon nilang magkasama. Pagdating ni Melissa sa bahay nila ay mabilis siyang nag-ayos. Patay na ang mga magulang niya at maykaya naman sa buhay si Sam kaya ng maging stable na sila ay nagpasya silang maglive-in na. Manager sa isang sikat na marketing company si Sam at siya naman ay gagraduate na sa darating na March. Hinihintay niya nalang na magpropose ito sa kanya. Masayang niluto ni Melissa ang mga paboritong pagkain ni Sam. Iniisip palang niya ang magiging reaksyon nito ay napapatawa na siya. Sweet at caring naman siya rito pero hindi siya ang type ng babaeng mahilig sa mga surprises.  "Table, check! Baloons, check! Food, check! Uhmmm... Ano pa bang kulang?" Inisa-isang sinigurado ni Melissa na lahat ng preparations sa listahan niya ay nagawa niya na. Nang matiyak na okay na ang lahat ay nagpasya na siyang ang sarili naman ang asikasuhin. Kailangan niyang magpaganda para naman maging mas memorable ang gabi nila. Kinikilig na pumasok si Melissa sa banyo at pakanta kanta pang naligo. Nag-aalalang tumingin si Melissa sa kanyang relo. 6 PM dapat ay nasa bahay na ito pero mag 8 PM na kahit text or tawag ay wala siyang natanggap mula rito. Nakailang tawag narin siya ngunit unattended ito.  Sinubukan nyang pakalmahin ang sarili, "Baka naman natagalan kasi bumili pa ng pangregalo," kumbinse niya sa sarili. Muli siyang napangiti sa naisip. Tumayo siya at kinuha ang isang box sa kanyang bag. Ito ang regalo niya kay Sam. Tiyak niyang ikatutuwa nito ang regalo nya. Niyakap niya ang box at nakangiting pumikit habang sumasabay sa vibe ng music.  Hindi namalayan ni Melissa na nakaidlip sya sa lamesa, dahil siguro sa pagod sa preparations. Nang maalala niya si Sam ay mabilis siyang napatayo at tumingin sa orasan. 2 AM na! Wala pa ito? Tatawagan niya sana ito ngunit napansin niya ang sapatos nito sa sala. Mabilis niyang tinungo ang sala ngunit ng matiyak na wala ito doon ay dumiretso siya sa kanilang kwarto. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nakauwi na ito, magagalit dahil lasing na lasing itong nakahiga o malulungkot dahil hindi manlang nito naalalang anniversary nila. Mangiyak ngiyak na niligpit ni Melissa lahat ng pinagpaguran niyang lutuin at ihanda. Sa ilang taon nilang pagsasama ay ngayon lang hindi naalala ni Sam ang anniversary nila. Dati, 1 month before ay pinaghahandaan na nito ang surprise sa kanya. Umiiyak na inumpisahang kainin ni Melissa ang mga inihanda.  Simula nun ay unti-unti ng napapansin at nararamdaman ni Melissa ang panlalamig ni Sam sa kanya. Madaling araw na ito madalas umuwi at minsan ay lasing pa. Nagagalit narin ito tuwing susubukan niyang hiramin ang cellphone nito. Doon siya labis na nagduda. Hindi na halos makapag concentrate si Melissa sa school dahil sa labis na stress at depression.  Kahit malamig na ang pakikitungo nito sa kanya, hindi parin siya nagbago. Inaasikaso niya parin ito tulad ng dati, ipinagluluto at pinagsisilbihan. Kahit maaga pa ang pasok niya at minsan madaling araw na itong umuwi ay hinihintay niya parin ito bago matulog. Nasanay na kasi siya sa presensya nito kaya ang mga gabing wala ito ay parang isang taong parusa para sa kanya. May mga pagkakataon na inaatake sya ng anxiety tuwing iisipin niyang baka may mangyaring masama rito. Ang pag-iyak ay ginawa niya naring pampatulog.  Mahal niya eh! May duda sya ngunit wala siyang sapat na ibedensya. Kailangan niya munang makumpirma. Hindi narin madalas kung kausapin siya nito. Minsan nga ay parang hangin nalang siya para dito. Ni halik sa pisngi o yakap tuwing matutulog na sila ay hindi manlang nito magawa. Linggo Buong gabing hindi umuwi si Sam kaya naisipan nyang si Karie nalang ang isabay sa pagsisimba, tiyak na mag-eenjoy pa sya.  Malapit na sya sa bahay nila Karie ng may mapansin syang pamilyar sa kanya.  "Manong, dito nalang ako," mabilis nyang sabi sa driver. Agad naman nitong itinabi ang taxi. Parang babagsak ang mundo ni Melissa ng makompirmang sasakyan nga ni Sam ang naka parking sa harap ng bahay ni Karie. Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam niya ng sabay na lumabas ng gate si Karie at Sam. Nanginginig na bumaba ng taxi si Melissa at nagtago sa malaking puno sa gilid ng kalsada. Mula dito ay kitang kita niya kung paano halikan ni Sam si Karie sa mga labi, kung pano nito hawakan ang baywang nito at kung ano kalapad ang mga ngiti nito. Parang sasabog ang puso niya sa nakikita, "NOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!" sigaw nya sa isip habang nag-uunahang pumatak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi siya makapaniwalang sarili niya pang bestfriend ang aahas sa kanya.  Hinawakan niya ang kanyang bibig at humagulgol ng iyak. Pano nila nagawa sakin to? Sila nalang ang meron ako. Mga taong akala ko mahal din ako. Napaupo siya sa bigat ng nararamdaman niya. _________________________________________________ Pakkkk!!!!!! Pag-uwi nito ay isang malutong na sampal ang binungad niya dito. "PANO MO NAGAWA SAKIN TO!!!!!!!" sigaw ni Melissa pagtapos niyang sampalin ng malakas si Sam. Nagulat naman ito at yumuko. "Bakit!! Bakit! Bakit! Bakit! Bakit!" puno ng pighating sigaw niya dito habang umiiyak. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay isang suntok sa dibdib nito. Hindi manlang ito kumibo ni pigil sa kamay niya ay hindi nito ginawa. "I'm Sorry," mahinang sabi nito kaya natigilan siya. "SORRY! Sorry! Sorry?" pailing-iling nyang tanong dito. "I've loved you! Sam, mahal kita! Mahal na mahal! Bakit mo to nagawa sakin ha? Nagkulang ba ko sayo? MAY KULANG PA BA SAKIN SAM? SABIHIN MO! SA-BI-HIN MO!!!!!" Bawat salita ay may kirot na dulot sa kanyang puso. Para itong pinipiga at sinasaksak ng paulit-ulit. Huminga si Melissa ng malalim at tinitigan si Sam, "Umikot sayo ang mundo ko, binigay ko ang lahat sayo. Bestfriend ko pa talaga Sam? Si Karie pa talaga? Naisip mo ba kung gaano ako masasaktan sa ginawa mo? Ginawa nyo?" pinunasan nya ang mga luhang walang tigil parin sa pagbagsak. "Alam mo naisip ko, minahal mo ba talaga ako? Bakit mo to nagawa sakin ha?" mahinahon ngunit puno ng hinanakit na tanong niya dito.  Sumandal ito sa pintuan at napahawak sa sintido nito, "Ayaw kitang saktan pero kasi...." "Kasi ano?" tanong niya dito. "I don't know kung kailan o bakit pero nagising nalang ako isang umaga na wala na akong nararamdaman pa. Hindi ko sinasadya, maniwala ka but I don't love you anymore," malungkot nitong sabi. "Believe me, sinubukan kung labanan sinubukan kong ayusin ang sarili ko pero habang inaayos ay lalo lang kitang nasasaktan." "I don't believe you! Sinungaling ka! You love me! You promised me! Right?" hindi makapaniwalang tanong niya dito. Wala siyang maramdaman sa mga sinasabi nito. Tila namanhid kasabay ng kanyang katawan ang kanyang puso at utak. Para siyang mababaliw.  Umiling lang ito at dumeretso sa kwarto. Kinuha nito ang maleta sa ilalim ng kama at inisa-isang kinuha ang mga damit nito sa closet. Na alarma sya kaya mabilis syang lumapit dito, "Wait! What are you doing?" "Habang nandito pa ko ay lalo kalang masasaktan. I'm sorry! I really do! I will fix this promise!"  "Teka! Pwede naman natin tong ayusin habang magkasama diba?" natatarantang pigil niya sa bawat hugot nito ng damit sa closet. "Please Melissa! Lalo lang nating pinapahirapan ang isa't isa! Tama na okay? Ayoko na! Tama na! Masasaktan kalang lalo." Sinara nito ang maleta at mabilis na naglakad papuntang pinto. "No!! No!!... I've changed my mind! Okay na sakin, pinapatawad na kita! Just please don't leave me! I can't bear this, hindi ko kaya! Please!... Please stay!" nakayakap siya sa likod nito habang nanginginig ang mga labing nagsasalita at umiiyak. "Please Sam! 'Wag mo kong iwan, ikaw nalang ang meron ako, please! Please! Stay please! Hindi ko kakayanin!" pagmamakaawa niya dito. Tila yata biglang bumaliktad ang sitwasyon. Siya ang niloko, siya ang sinaktan ngunit siya ngayun ang nagmamakaawa. Isang minuto rin silang nasa ganoong posisyon ng maramdaman niya ang pagbuntonghininga nito, "maniwala ka Melissa, ito ang makakabuti satin. Just let me go please!" Pwersahan nitong tinanggal ang mga kamay nyang nakayapos dito dahilan para matumba sya. "No!!! Sam!!!! Please... please 'wag mo kong iwan! Nagmamakaawa ako sayo!" Baliw man kung isipin ng iba pero hindi niya talaga kayang iwan ni Sam. Ito na ang mundo nya, ang lahat para sa kanya. "Mahal na mahal kita Sam!" Natigilan ito sa sinabi nya at bago nito isara ang pinto ay tumitig ito ng matagal sa kanya. May lungkot sa mga mata nito. Ikaw ang pinangarap Ikaw ang hanap-hanap Ngunit bakit nagbago ang lahat Ang init ng pagmamahal Parang naging salat "Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya ng tuluyan na itong nakalabas. "Aaaaaaaaaaaahhhhha..ha..ha..hahhh!!!!" hawak-hawak ang dibdib, paulit ulit niyang isinisigaw at iniiyak ang sakit na nararamdaman. Tila ba ito lang ang kayang ilabas ng kanyang mga labi. Pangako habang buhay Nangakong 'di magwawalay Ngunit ba't lumamig pagmamahal Napahiga sya sa sobrang iyak. Masakit mamatayan ng minamahal pero mas masakit ang iwan ng minamahal.  Anong nangyari sa ating dalawa Akala ko noon tayo ay iisa Nangako ito sa kanya ng walang hanggang pagmamahal. Iibigin sya habang buhay. Paano na ang mga pangarap nila para sa isa't isa? Paano niya pa mabubuo ang mga pangarap nya kung isinama nya ito doon? Kung ito ang rasun kung bakit siya patuloy na nangangarap? Ako ba ang siyang nagkulang O ikaw ang 'di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan Sinampal nya ng ilang beses ang sarili sa kagustuhang makagising sa bangungot ng katotohanan. Parang kahapon lang masaya silang nangangako ng walang hanggang pagsasama. Parang kahapon lang mundo nila ay iisa. May mali ba sa kanya? Kulang paba? O labis-labis lang ang pagmamahal na binigay niya kaya ito napuno at kumawala? Anong nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na Damdamin ay nasasaktan Puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan Masyado syang nakampante sa mga pangako nito at nakalimutang lahat dito sa mundo'y may hangganan. Naisin nya mang ibalik ang kahapon ngunit hindi na maaari. Masyado syang nalunod sa pagmamahal nito at naniwalang may forever. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang mga katagang, "hindi na kita mahal!"  Nakatulog si Melissa sa sobrang pagod sa pag-iyak.  _________________________________________________________________________ Sa mga nagdaang linggo at buwan ay naging maayos ang relasyon ni Karie at Sam. Kamustahin manlang si Melissa ay hindi nila nagawa simula ng lumayas si Sam.  Lingid sa kaalaman ni Karie, kinukulit parin ni Melissa si Sam. Tawag ito ng tawag o di kaya ay text ng text sa kanya. Ngunit sa tuwing susubukan ni Melissa na tumawag o magtext manlang ay pilit nya naman itong iniiwasan.  Lumipas pa ang dalawang buwan, wala ng natanggap pa na tawag o text si Sam mula kay Melissa. Sa isip niya, siguro ay naka move on na ito kaya kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam nya. Pero ba't kung kailan hindi na ito nagparamdam pa ay saka naman sya hindi mapakali? Araw-araw nyang tinitingnan kung may nagtext o nagmiss call ba sa kanya na number lang. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay umaasa sya na may mangungulit ulit sa kanya. Naaalala nya pa ang huli nilang pag-uusap. Flashback Kakatapos lang ng meeting with the board members ng may tumawag kay Sam. Kahit na number lang ang naka register ay alam nya kung sino ito. "Melissa, kailan kaba titigil sa pangungulit sakin ha?" bungad nya dito. Katahimikan lang ang sumagot sa kanya. "Kung hindi ka magsasalita, papatayin ko na to!" "I miss you, Sam... I... I need you now. Gusto kitang makita. Kahit 'wag ka ng lumapit sakin, kahit sa malayo lang. Masulyapan lang kita ay okay na," bulong nito na may halong hikbi sa tinig. Halatang umiiyak nanaman ito. Wala itong tawag sa kanya na hindi ito umiiyak o nagmamakaawa sa kanyang bumalik na sya. Pero ngayon ay iba, hindi na ito namimilit sa kanya na bumalik kaya labis syang nagtaka. May kung anong kirot sa puso nya sa mga sinabi nito, "Okay, nasaan ka? Pupuntahan kita." Paglabas ni Sam ng opisina ay mabilis nyang nakita itong nakaupo sa kabilang bahagi ng kalsada. Kahit malayo ay mapapansin ang laki ng ipinayat nito. Nakatingin lang ito sa kanya habang nakangiti. Tatawid na sana sya ng biglang may humarurot na tricycle sa harap nya kaya bigla syang napa atras. Pagtingin nya ulit kung nasaan si Melissa ay wala na ito. Napatingin sya sa lamesang kinauupuan nito kanina. May maliit na papel na nakaipit sa ilalim ng baso. Kinuha nya ito. PINAPALAYA NA KITA, MAHAL NA MAHAL KITA SAM! Sinubukan nyang tawagan ang number nito kanina ngunit out of reach na. End of Flashback Simula nun ay hindi na ito muli pang nagparamdam sa kanya. Dapat nga ay ikatuwa nya diba? Yun ang gustong gusto nyang mangyare, ang palayain na sya nito at magmove on na. Sa mga araw na nagdaan ay hinahanap hanap nya ang lambing ng boses nito. Ang mga matatamis na ngiti nito tuwing susurpresahin nya. Pag-aasikaso at pag-aalaga nito sa kanya lalong lalo na ang lasa ng mga niluto nito.  Sa umpisa akala nya ay nagiguilty lang sya sa pag-iwan dito kaya nya ito madalas maisip pero umabot na sa sitwasyong nasasambit nya ang pangalan nito minsan kapag nag-uusap sila ni Karie. Tama na! Tama nang pagpapanggap pa! Gusto nya itong makita! Pinapahirapan niya lang lalo ang sarili kapag nag deny pa siya. Sa mga buwan na hindi nya ito nakapiling ay ramdam na ramdam nya ang kawalan ng kaligayahan. Tila ba sa pag alis nya ay naiwan dito ang puso nya. Ayaw nya mang aminin sa umpisa pero mahal nya ito. Malaki ang pagkakasala niya dito kaya nawalan narin sya ng pag-asa pang ayusin ang lahat at paglisan nalang ang ginawa nyang solusyon. Nang araw ring yun ay nakipaghiwalay sya kay Karie. Narealized nya kasi na hindi nya naman talaga ito mahal. Sadyang nagpadala lang sya sa temptasyun na dulot nito sa kanya. Maaga syang umalis ng opisina at nag-ayos para surpresahin si Melissa. Hihingi sya ng tawad dito at aayusin ang lahat. Kahit anong hilingin nito ay gagawin nya mapatawad lang sya nito. Ilang beses na syang kumatok ngunit walang bumubukas ng pintuan kaya nagpasya na syang gamitin ang spare key na meron sya. Pero bago nya paman mabuksan ay may tumawag ng pansin nya. "Hijo! Ikaw ba ang bagong titira dyan?" sabi ng matandang babae. Napakunot naman ang noo nya sa sinabi nito. "Bagong titira ho? Ako ho ang may-ari ng bahay na ito. Bakit nyo po nasabi yun?" takang tanong nya dito. "Ah, kamag-anak ka pala ng babaeng dating nakatira dyan," patango tango pa nitong sagot. "Dating nakatira po? Nasaan na po si Melissa?" bigla syang na alarma. Umalis na ba ito at nag-iba na ng tirahan? Paano nya ito mahahanap eh wala silang contact sa isa't isa. "Ay hindi mo ba alam? Isang buwan ng patay ang nakatira dyan. Eh, depression daw ang ikinamatay eh! Naawa nga ako sa batang yun. Maganda at mabait pa naman yun..." Hindi nya na pinatapos ang iba pang sasabihin ng matanda. Agad nyang binuksan ang pintuan. Pagpasok nya ay nakababaliw na katahimikan ang bumati sa kanya. "Melissa?" tawag nya sa pangalan nito. MELISSA!!" sigaw nya ulit sa pangalan nito. Nang walang sumagot ay hinanap nya ito sa buong bahay sigaw sigaw ang pangalan nito.  "Hindi! Hindi yun totoo!" para syang mababaliw sa nalaman. Muli nyang hinalughog ang buong bahay ngunit walang Melissa ang nagpakita sa kanya.  Sa gilid ng lampshade ay meron syang napansing pulang box. Agad syang lumapit dito at kinuha ito. Sa itaas ay may card na nakakapit. "To my SAMMY, Happy 5th year anniversary Mahal! I love you so much! Thank you for loving me and taking good care of me. This time, let me surprise you! Open my gift and prepare yourself for my biggest surprise, I'm sure you'll love it! Mahal na mahal kita Sam!"  Paulit-ulit nyang binabasa ang nakalagay sa card. Labis na kumirot ang kanyang puso sa labis na pighati. Habang binabasa nya ito ay lalo syang nahihirapang huminga. Unti-unti nyang binuksan ang laman ng box.  TWO LINES! Yun ang una nyang nakita at sa gilid nun gamit ang marker ay may nakasulat na "ITS POSITIVE! YOU'LL GONNA BE A DAD! SURPRISE!" Pagkakita nya nun ay doon lang rumehistro lahat sa kanya. Lahat ng pagbabalewala nya dito, mga gabing naririnig nyang umiiyak ito, pagmamakaawa nitong huwag syang umalis, boses nito, ngiti nito at ang realidad na wala na ito. Lumambot bigla ang kanyang mga tuhod at napaluhod nalang sya. Humagulgol si Sam ng iyak sa labis na pagsisisi at pighati.  Paulit-ulit na naririnig nya sa kanyang isipan ang malumanay na pagkakasabi nito ng, "MAHAL NA MAHAL KITA SAM!" "AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" ___   ___ Hello my WONDERreaders! Sana po ay nagustuhan nyo ang isinulat kong story para sa inyo. Don't forget to heart and comment!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD