RATED SPG (18+)
Nagmahal kana ba?
Kaya mo bang ibigay lahat?
Gawin lahat?
Tiisin lahat?
___ ___
=PRESENT=
JOY: "Alam mo besh, tama lang yung desisyun mong hiwalayan si Marie! Ano kaba? Marami pa namang ibang babae dyan. Handang mahalin ka ng buong buo at IKAW LANG. So, cheer-up!"
[Kasalukuyang kumakain ng pananghalian sina James at Joy sa isang cafeteria malapit sa kanilang opisina.]
JAMES: "Sino naman kaya yang bulag na magkakagusto sa tulad ko?"
[Tanong ni James kahit alam naman nito ang ibig ipahiwatig ng dalaga, sabay taas ng kanyang mukha para tingnan ito. Kahit hindi aminin ng dalaga, sa mga kilos at mga titig nya ay matagal ng alam ni James ang lihim nyang pagtingin para dito.]
[Namula ang mukha ni Joy sa makahulugang titig ni James.]
JOY: "Ah... Eh... Malay mo nasa paligid lang pala. Hindi mo lang napapansin kasi nakatutok lang ang lahat ng atensyon mo kay Marie."
[Mahinang tugon ni Joy sabay iwas ng tingin.]
___ ___
=PAST=
[Highschool palang sila ay may gusto na ang dalaga kay James. Gwapo, magalang at mabait naman kasi ito. Sinubukan ni Joy na mas lalong mapalapit dito kaya ginawa nya ang lahat upang makapasok sa paaralang pinapasukan nito ng kolehiyo at sa opisinang pinagtatrabahuan nito.]
[Sa haba ng panahong magkasama sila ay hindi nagawang aminin ng dalaga ang nararamdaman para sa binata. Ginawa nya nalang ang lahat para iparamdam dito kung gaano ito ka-espesyal sa kanya, hindi man bilang kasintahan pero bilang tunay na kaibigan.]
[Inisip ng dalagang may pagtingin din ito sa kanya dahil sa napakabait at maalalahanin nito. Sa tagal nilang magkaibigan ay wala manlang itong nabanggit na nagustuhan o naipakilala bilang kasintahan nito.]
[Ngunit, isang umaga nagising nalamang ang dalaga sa balitang ikakasal na si James. Labis syang nanibugho at nagalit sa nalaman.]
[Pero hindi yun naging dahilan upang sumuko si Joy.]
JOY: "Hindi kasal ang magpapasuko sakin! Mahal na mahal kita si James! Hindi ako makapaniwala na isang babae na ilang buwan mo palang nakakasama ang mas pipiliin mo kaysa sakin na ilang taon ng nasa tabi mo! Waaaaaaahhhhhhh!!!!!"
[Pagwawala ni Joy habang sinasaksak ang masaya at nakangiting mukha ni Marie sa wedding picture nito. Gutay gutay na ito at halos hindi na makikilala ng bitawan nya ang patalim na hawak. Hindi pa nakuntento, kinuha nya ang lighter at sinindihan ito habang hawak-hawak. Sa labis na pighati ay hindi nya namalayang inaabot na ng apoy ang kanyang mga daliri. Subalit hindi manlang ito napangiwi, mas maalab parin ang kagustuhang mapasakanya si James at mas maiinit parin ang kasawian na kanyang dinaramdam. Para itong baliw na tumawa habang tumutulo ang mga luha.]
[Hindi kalaunan ay naging malapit na kaibigan narin ni Joy ang asawa nito na labis na ikinatuwa ni James. Madalas imbitahan at isama ni Joy sa mga party at gimikan si Marie. Wala namang naging problema kay James iyon dahil malaki ang tiwala nito sa kaibigan at asawa.]
[Lingid sa kaalaman ni James, madalas ipakilala ni Joy ang asawa nya sa mga kaibigan nitong lalaki na lubos namang ikinatuwa ni Marie. Tumagal ang ganoong mga pangyayare ng ilang buwan. Tila na-addict narin si Marie sa mga pambobola ng mga kaibigan nya.]
___ ___
=PRESENT=
JAMES: "Talaga?"
JOY: "Oo naman! Ano kaba? Gwapo ka, mabait at responsableng tao. You deserve someone better than Marie!"
[Dahil sa sinabi ni Joy ay napangiti si James. Malaki ang pasasalamat nito sa dalaga. Kung hindi dahil dito ay hindi nya mahuhuli ang panglalalaki ng kanyang asawa.]
JAMES: "Ayan ka nanaman eh! Binobola mo nanaman ako! Anong kailangan mo ha? Hahaha!"
JOY: "Uy! Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero alam mo, naisip ko rin ha! Simula ng mag-asawa ka hindi na tayo nagbonding. Nakakatampo ka!"
[Nakangusong sabi ni Joy.]
[Natawa naman si James sa reaksyon nito.]
JAMES: "Hahaha! Ano ngang gusto mo? Sabihin mo na kasi!"
JOY: "Dating gawi? Movie marathon? Ano? Bukas? Total sabado naman walang pasok."
[Tuloy tuloy na sabi ng dalaga. Nais nyang tulungan itong makapag move on.]
[SABADO]
[Napagdesisyunan nilang sa condo nalang ni James sila magmovie marathon total ay lumayas narin naman ang asawa nito ayun dito.]
JOY: "Sisiguraduhin kong pagkatapos ng araw na ito ay akin na si James! Hindi ko na ito palalampasin pa."
[Kausap ng dalaga ang sarili sa harap ng salamin habang patawa-tawa pa. Hindi nya lubos maisip na lahat ay umayun sa mga plano nya.]
[Labis na pinaghandaan ni Joy ang araw ng sabado. Maaga palang ay nagpa beauty spa at salon na sya.]
[Dahil sa natagalan ang dalaga sa pag-aayos at pagpapaganda ng sarili ay minabuti nyang dumeretso nalang sa condo ni James.]
[Kakatok na sana ang dalaga nang mapansin nyang hindi nakalock ang pintuan at bahagya pa itong nakabukas.]
[Pumasok si Joy dala-dala ang regalong matagal nya na sanang gustong ibigay sa lalaki.]
JOY: "James?"
JOY: "Yu hoh!"
JOY: "James?"
JOY: "I'm here na!"
[Kahit anong tawag ay walang sumasagot kaya minabuti nyang dumeretso nalang sa kusina. Nagbabakasakaling makita nya ito doon.]
[Wala ito doon o kahit saang sulok ng bahay ay wala ito. Napagpasyahan nyang umupo nalang muna sa sala at baka may binili lang ito sa labas.]
[Napasulyap ulit ang dalaga sa kusina.]
JOY: "Ang dami nya namang pinamili. Usapan namin ay snacks lang."
[Lihim namang kinilig at napangiti ang dalaga sa naisip. 'Narealized na siguro nito na ako talaga ang gusto nya. Balak pa yata akong surpresahin! Hehehe!']
Uuuuuuuhhhhh!!
[Kumakanta kanta pa ang dalaga sa tuwa habang inaayos nya ang kanyang make-up nang may narinig syang mahinang ungol.]
[Natigilan ang dalaga at pinakinggan itong mabuti.]
Uuuuuuuhhhhh!!
[Mahinang ungol ito ng isang lalaki!]
[Biglang napatayo ang dalaga at kinabahan. Maliit lang ang condo kaya sigurado syang sa loob nagmumula ang ungol.]
JOY: "Hindi kaya si James yun? Kaya hindi nya nakita ito ay baka may nangyaring hindi maganda dito!"
[Na-alarma ang dalaga sa naisip. Mabilis na hinanap ni Joy ang pinanggagalingan ng ungol.]
Uuuuuuuhhhhh!!!
[Sa pagkakatanda nya ay tatlo ang kwarto ng condo. Napahinto sya sa ikatlong pintuan sa pinakadulo. Ito nalang ang hindi nya pa natitingnan.]
[Agad nyang binuksan ang pinto. Kinapakapa nya ang switch ng ilaw pero nabigo sya.]
Uuuuuuuhhhhh!!! Uuuuuuuhhhhh!!!
[Habang humahakbang sya ay palakas ng palakas ang naririnig nyang ungol. Ungol ng isang taong labis na nasasaktan.]
JOY: "James?"
[Halos pabulong nyang tawag dito.]
[Sa dilim ng paligid ay halos wala syang makita. Napatakip sya ng ilong sa langsa at alingasaw ng paligid.]
Uuuuuuuhhhhh!!! T-Tuuuulllooooonnngggg!
JOY: "James?"
[Muli nyang tawag dito habang pakapa-kapang naglalakad patungo sa pinanggagalingan ng ungol. Halos lumabas na sa kanyang dibdib ang kanyang puso sa lakas ng kabog nito.]
[Nagulat ang dalaga ng may biglang humawak sa kaliwang paa nya.]
[Mabilis na umupo si Joy at hinawakan ang kamay nito.]
JOY: "James? Anong nangyare sayo?"
[Bulong ng dalaga dito habang hawak-hawak ang madulas at malagkit nitong kamay.]
[Nang makapag-adjust sa dilim ang mga mata ng dalaga ay labis syang nagulat at nabitawan ang kamay ng lalaki.]
[Hindi ito si James!]
JOY: "Cle... Cleo?"
[Katrabaho nila ni James si Cleo.]
[Wala itong pang itaas na damit at naliligo sa sariling dugo. Puno ng tahi ang buong katawan nito na ang iba ay bahagya pang nakalabas ang namumulang laman. Dumudugo ang bibig nito hudyat ng pwersahang pagtanggal ng mga ngipin nito.]
CLEO: "Tuuu... Tulungan mo koooo! Maawa kaaaaaa!!!!!!"
[Pagmamakaawa nito habang pilit syang inaabot. Bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.]
[Napatingin si Joy sa kanyang kamay. Punong puno ito ng dugo, dugo mula kay Cleo.]
[Sa takot ay pailing-iling na napa atras ang dalaga.]
[Ganon nalang ang gimbal nya ng may nasagi rin mula sa likod ang kanyang mga paa.]
[Pagtingin ng dalaga ay hindi nya napigilang masuka sa mga nakita. Hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat ang mga bangkay kundi marami. Ang iba pa sa mga ito ay naaagnas na. Bakas sa katawan ng mga ito ang hirap na pinagdaanan bago namatay.]
[Gusto nyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig.]
[Hindi kayang iregister ng kanyang utak ang mga nakikita. Hindi sya makapaniwala.]
[Ang labis pa na ikinasindak ng dalaga ay halos kilala nya ang mga lalaking ito. Sila ang mga kaibigan nyang inereto at ipinakilala sa asawa ni James. Si cleo ang pinakahuling ipinakilala nya kay Marie.]
[FLASHBACK]
JOY: "James? Ahmmm... May tinatapos kapa ba?"
[Nag-aalinlangang umupo ang dalaga sa tabi ni James.]
JAMES: "Eto patapos na. Bakit? May problema ba?"
[Tumingala si James sa dalaga. Nang mapansin nyang balisa ito ay mabilis nyang iniligpit ang mga gamit sa lamesa.]
JOY: "Ganito kasi... Si Marie kasi... Ahhhmm... Huwag nalang kaya..."
[Tumayo si Joy at aalis nalang sana nang hawakan ni James ang kanyang braso.]
JAMES: "Wait! Ano yun Joy? Kung tungkol yan sa asawa ko, may karapatan naman siguro akong malaman diba?"
[Mahinahong tanong ni James.]
JOY: "Ayaw ko sanang malaman mo dahil ayaw kitang masaktan. Ayaw ko ring pangmulan ito ng away niyong mag-asawa pero kaibigan kita at ayaw kung maglihim sayo."
[Malungkot at mahinang pahayag ni Joy sabay lapag sa harap ni James ng mga litrato kung saan iba't-ibang mga lalaki ang kasama ni Marie sa club. May mga litrato rin kung saan ang mga lalaki ay pinapapasok pa ni Marie sa loob ng condo ni James.]
JOY: "Alam kong hindi ka maniniwala kung walang ibedensya. Matagal ko ng gustong sabihin sayo pero binantaan ako ni Marie kaya natakot ako. Tina-timing nyang tulog kana bago papasukin ang mga lalaki sa condo nyu. I'm sorry James, kung ngayon ko lang nasabi sayo at dahil hindi ko napigilan ang asawa mo sa panglalalaki nya. Naaawa talaga ako sayo James... Talagang sa loob pa ng condo nyu nanglalalaki si Marie!"
[Tumutulo ang luhang paliwanag ni Joy.]
[Nakita nya ang pangdidilim ng mukha ni James sa pigil na galit. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago tumayo si James at padabog na lumabas ng opisina.]
[Ang kaninang malungkot at umiiyak na mukha ni Joy ay napalitan ng ngiti. Ngiti ng tagumpay.]
[END OF FLASHBACK]
[Nang maalala ni Joy ang tagpong iyon ay napahawak sya sa kanyang dibdib.]
[Hindi kaya inisa-isang patayin ni James ang mga lalaking nasa larawan para maghiganti?]
[Kaya pala hindi nya na makontak pa ang mga kaibigan pagkatapos makipagkita kay Marie. Pero parang may mali.]
[Napatalon sa gulat ang dalaga ng marinig nya ang pagbukas ng pintuan sa sala. Sa taranta ay mabilis nyang pinunasan ang mga kamay na may dugo at mabilis na lumabas ng kwarto.]
[Papunta na sya ng sala ng masalubong nya si James. Labis na namutla ang dalaga sa gulat.]
JAMES: "Oh! Nandito kana pala? Anong ginagawa mo dyan?"
JOY: "Ah.. kasi... kasi kanina pa ko tumatawag sa labas eh nakabukas naman ang pinto ka... Kaya pumasok nalang ako and uhmm...uhmmm... hinahanap ko ang banyo. Yes! Ganon nga! Hehehe!"
JAMES: "Sa tagal mo nang pumupunta dito nakalimutan mo kung nasaan ang banyo? Sus! Ikaw talagang babae ka! Ayun ang banyo oh!"
[Turo ni James sa pinto malapit sa kusina. Nakangiti ito ng malapad sa kanya at napaka presko ng itsura nito. Hindi manlang mababakas sa inosenteng mga ngiti nito ang mga krimeng nangyari sa luob mismo ng tinitirhan nito.]
JAMES: "Uy! Ano na? Mag CR kana! Marami pa tayong lulutuin."
[Saka lang napansin ni Joy ang mga supot na nasa magkabilang kamay nito.]
JOY: "Bakit ang dami naman nating lulutuin? Akala ko ba pang snacks lang?"
JAMES: "Espesyal ang araw ngayun!"
[Masaya at buong siglang sambit ni James.]
[Saglit na nawala sa isip ng dalaga ang takot at pag-aalinlangan ng makita ang masayang mukha nito. Mukhang matagal nyang pinangarap.]
JAMES: "Ikaw na muna maghiwa nito. May kukunin lang ako sa kwarto."
[Pag-alis nito sa kusina ay mabilis nyang itinungo ang bag sa sala at patakbong lumabas ng condo.]
[Kasabay ng pagtapak nya sa parking lot ay ang pagbagsak ng malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na kidlat at kulog.]
[Mabilis nyang tinungo ang kanyang sasakyan.]
[Sa labas ay nakita nya ang humahangos na si James. Naglakad ito palapit sa kanyang sasakyan.]
[Sa takot ay nanginginig na pina andar ng dalaga ang sasakyan ngunit ayaw umandar.]
[Napatingin sya sa likurang bahagi ng sasakyan at napansin nyang basag ang mga bintana.]
[Wala na syang choice kaya mabilis syang lumabas at tumakbo.]
[Pumikit si Joy. Wala na syang pagtataguan pa. Rinig na rinig nya na ang mga yapak ni James na papalapit sa pinagtataguan nya.]
[Lalong lumakas ang ulan kasabay ng paglakas ng t***k ng kanyang puso sa kaba at takot para sa sarili.]
[Kamuntik na syang mapasigaw ng may humawak sa kanyang kamay mula sa likod.]
JOY: "Marie?"
MARIE: "Psssssstttt!!!! Alam ko ang pasikot-sikot dito. Dito tayo!"
[Nagtataka man ay sinundan nya ito.]
JOY: "Anong ginagawa mo dito?"
MARIE: "Wag kang maingay! Baka marinig nya tayo!"
[Bulong nito at mabilis na binuksan ang isang pinto.]
MARIE: "Dito! Dali!!!"
[Sa takot at sa kagustuhang makatago mula kay James ay mabilis na pumasok si Joy kahit madilim.]
[Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagbagsak ni Joy sa sahig dahil sa matigas na bahag na tumama sa likod ng kanyang ulo.]
[Nakaramdam si Joy ng panghihilo. Iminulat nya ang mga mata.]
JOY: "Nasaan ako! Hello!"
[Sigaw ni Joy. Dahil sa dilim ay wala syang makita. Napaka alingasaw ng paligid. Pamilyar sa kanya ang amoy ng lugar na ito.]
[Bigla syang napatakip ng mga mata sa biglaang pagbukas ng ilaw.]
JOY: "Ahhhhhhhhhhhhh! Aaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
[Sa harap nya ay ang wala ng buhay na si Cleo. Nakamulat ang dalawa nitong mga mata na nakatingin sa kanya.]
[Tumingin sya sa buong paligid. Tumambad sa kanya ang mga naaagnas na bangkay ng mga kaibigan. Iba't ibang klase at uri ng mga kutsilyo, gunting, martilyo at mga gamit pang opera ang mga nakakalat sa sahig.]
[Saka nya lang naalala na isang doktor sa isang sikat na ospital si Marie. Ang mga sugat at tahi sa katawan ng mga kaibigan nya ay siguradong ito ang may gawa.]
[Saka nya lang napangdugtong dugtong ang lahat.]
[Tuwing nakikipagkita ang mga kaibigan niya kay Marie ay bigla nalang nawawala at hindi nya na nakokontak pa ang mga ito.]
[Gulong gulo na ang kanyang utak.]
[Siguro ay nagtataka si James kung bakit nalang sya biglang nawala at tumakbo papalayo. Yes! Kilala nya si James! Alam nyang mabait ito at hindi nito kayang pumatay ng tao pero pinagdudahan nya parin ito. Wala rin siguro itong kaalam alam sa mga nangyayare. Kung hindi lang sana sya tumakbo.]
[Bigla nanamang namatay ang ilaw.]
JOY: "Ikaw! Ikaw! Hindi si James! Ikaw ang pumapatay! Hindi si James! Pakawalan mo ko! Hayop ka! Anong ginawa mo sa mga kaibigan ko! James! James! Tulungan mo ko! Jameeeeeessssss!!!!!!!!!!"
MARIE: "Ang ingay mo!!!!!!!!"
[POK!]
[Unti-unting nawalan ng malay si Joy dahil sa matigas na bagay na ipinukpok sa kanyang ulo. Ang huli nyang naaalala ay ang malakas na halakhak ni Marie.]
[Nagising si Joy sa lakas ng tunog na nagmumula sa television.]
[Iminulat nya ang kanyang mga mata. Nasa harap sya ng TV. Nasa sala sya ng condo ni James. Nakagapos ang kanyang dalawang mga kamay at paa.]
[Sisigaw sana sya ngunit hindi nya maibuka ang mga labi dahil sa sinulid na nakatahi dito. Tumulo ang mga luha ni Joy sa sakit na nararamdaman.]
JAMES: "Upo kana mahal!"
[Napatingin bigla si Joy sa gawing kanan nya. Kitang kita nya kung paano igiya ni James paupo si Marie sa isang lamesang napapalibutan ng mga bulaklak at masasarap na pagkain.]
MARIE: "Nag-abala kapa mahal!"
JAMES: "Para sayo mahal kong asawa, lahat gagawin ko!"
Uuuuuuuhhhh!!!!!! Uuuuuhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!
[Ungol lang kayang gawin ni Joy sa kanyang sitwasyon. Ngunit parang walang naririnig ang dalawa.]
[Hinalikan ni James ang kamay ni Marie.]
JAMES: "Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo ngayon mahal?"
[Biglang napatingin si Joy sa gawing kaliwa nya kung nasaan ang salamin. Nakatali sa kanyang ulo ang napakalaking ribbon na kulay pula.]
[FLASHBACK]
JOY: "Uy! Ang lalim ng iniisip mo?"
JAMES: "Malapit na kasi diba ang anniversary namin ni Marie. Hindi ako makaisip ng pwedeng ipang regalo sa kanya!"
[Malapit na nga pala ang araw na isinusumpa ni Joy. Kailangan nya nang kumilos. Dapat mapaghiwalay nya na ang dalawang mag-asawa bago pa ang araw na yun!]
JOY: "Ikaw na nagsabi diba na hindi mapili si Marie sa mga regalo eh ba't namomoblema ka ngayon?"
JAMES: "Yun na nga eh! Iba na ang ine-expect ni Marie ngayon. Gusto nyang bigyan ko sya ng something na mahalaga sakin. Para memorable naman daw."
JOY: "Sus! Yun lang pala! Mag-isip ka ng mga bagay na importante para sayo? Mga bagay na matagal na sayo at iniingatan mo. Yun ang ibigay mo!"
[Bigla sya nitong niyakap.]
JAMES: "Thank you! Maaasahan talaga kita BESTFRIEND!"
[END OF FLASHBACK]
MARIE: "Gustong gusto mahal! Thank you!"
JAMES: "Happy anniversary Mahal!"
MARIE: "I love you!"
JAMES: "I love you more!"
[Ngumisi si James ng nakakaloko sabay abot ng kutsilyo.]
JAMES: "Buksan mo na ang regalo ko sayo Mahal!"
___ ___
Hello my WONDERreaders!
Anong say mo sa story natin ngayon?
Ako? Ang say ko ay:
*Love, can either be wonderful or deadly!*
*Too much love will kill you, indeed!*
*You cannot force someone to like or love you!*
Ikaw? Anong say mo???