Nang sumunod na araw ay maaga akong nagising para magluto ng agahan. Kasalukuyan na akong nagpiprito ng tuyo nang bumaba na ang apat sa kusina. “What’s that smell?” bungad ng kambal. I rolled my eyes. “Tuyo po. Maghilamos na kayo at magmumog para makakain na kayo,” sabi ko. “I once tasted tuyo. It was nice. Kailangan lang ng sandamakmak na rice kasi maalat,” sabi ni Zeno. “May champorado pa ako rito,” sabi ko pa. Habang naghahanda na ako ay nag-uusap naman silang apat tungkol sa intrams. “Coach Gino just texted me this morning. We have a practice tomorrow, and half-day practices naman starting Monday. Tuesday raw ang dating ng mga jersey,” sabi ni Zeno. Siya rin kasi ang year-level president namin. Binigyan ko na sila ng tig-iisang bowl ng champorado na may kasamang tuyo. Alanganin

