Chase's POV "Tetsu!" sigaw ko nang bumagsak sa sahig si Tetsu. Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Wala na siyang kagalaw-galaw at mukhang nawalan pa ng malay. Susugurin din sana ng kambal 'yung lalaki mula sa kabilang team pero lumapit na ang mga referee at si Zeno. "You'll just make things worse!" singhal ni Zeno sa kanila. "Siya na nga ang may kasalanan siya pa ang may ganang manuntok?!" galit na sigaw ni Carlo. "I know! Calm down! Bahala na ang guidance sa kanya. We need to bring Tetsu to the clinic!" sigaw pabalik ni Zeno. Kanina ko pa niyuyugyog si Tetsu pero wala siyang kagalaw-galaw. Agad naman na may dumating na mga medic. Nilagay nila si Tetsu sa isang stretcher at binuhat palabas ng gym. Sumunod naman kaming apat sa kanya. May ilan din kaming classmates na sumunod sa 'm

