Tetsu's POV "Pwede po ba na si Jansen na lang ang ampunin niyo?" request ko kina Tita Clara at Tito Hanz habang papauwi na kami mula sa pagbisita sa ampunan. "Nagustuhan mo rin pala si Jansen," sabi ni Tita Clara. "Opo. Magkaibigan na nga po kami," sabi ko naman. Tinitigan ni Tita Clara si Tito Hanz. "Pag-iisipan namin, okay? Nasa pinagpipilian namin si Jansen kaya 'wag kang mag-alala. Tsaka sa Sabado pupunta kami doon ulit at kakausapin na namin ang mga batang nasa pinagpipilian namin. Gusto mo ba na sumama ulit?" tanong niya. "Opo!" sagot ko naman agad. Kaya naman mas lalong akong na-excite nang malaman kong nasa pinagpipilian pala nina tita at tito si Jansen. Naawa na rin ako sa kanya lalo pa't mabait naman siya. Mukhang hindi lang talaga niya kasundo ang iba pang mga bata doon s

