Chase's POV Pasalampak akong bumagsak sa semento. Nakatukod na ang mga kamay ko dahil sa sobrang pagod. Tumayo naman sa harap ko si Tetsu. "Paano ba 'yan? 10-7. Ako ang panalo," sabi niya sa gitna ng palakpakan ng mga batang nanonood sa 'min. Tiningala ko siya. Hindi ko lubos maisip na kaya akong talunin ng pandak na 'to. Nag-crouch siya bigla sa harap ko. "Kung nagtataka ka kung bakit natalo kita, dahil 'yun sa papa ko. Siya ang pinakamagaling na coach ko. Hindi dahil pandak ang isang tao ay hindi na siya pwedeng maging magaling sa basketball," sabi niyang nakangiti. Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin. "Bilis na. Magaling ka naman." Napatitig na lang ako sa mukha niya. Unang beses na may ngumiti sa 'kin kagaya ng ngiti niya. Lumipat ang titig ko mula sa mukha niya papunta sa kamay

