Alarm clock. 'Yan ang parating gumigising sa 'kin araw-araw. Pinulot ko naman 'yun sabay balibag sa isang gilid. Nagdasal muna ako bago ako bumangon. Alas kwatro ng umaga ang parati kong gising kapag may pasok kami sa school. Didiretso ako niyan ng kusina para magluto ng agahan ni mama. Late na rin kasi siyang nagigising dahil halos hatinggabi na rin parati ang tulog niya. Ako na lang ang nagkukusa na magluto ng agahan para naman mabawasan na ang mga gagawin ni mama. After ko niyan na magluto ay maliligo na ako at mag-aayos. Hindi na ako kumakain ng agahan dahil nga pupunta pa ako kina Chase. At around 5:30 ng umaga ay sasakay na ako ng jeep papunta sa village nila. "Good morning, manang!" bungad ko kay Manang Yolly. Siya rin kasi ang isa sa mga nauunang magising sa bahay nina Chase.

