"Bye!" sabi ko habang nasa pinto ng bahay nina Chase kinahapunan. Papauwi na ko. Inuunat ko na ang likod ko dahil nananakit na naman 'yun. "Bye. Thanks sa pagtulong sa 'kin sa studies. . . at sa meryenda," nakangiting sabi ni Chase. "WALA PONG ANUMAN!" sagot ko naman. "'Di ka na talaga magpapahatid?" tanong niya sa 'kin. "Hindi po. Ian texted me to meet him somewhere," sabi ko. Natigilan si Chase. "Sasama ka naman?" tanong niya. "Of course. He's my friend and I can't say no," sagot ko naman sabay pagulong ng mga mata. "Umuwi ka nang maaga," seryosong sabi ni Chase. I stared at him. "Malamang. Nananakit na ang katawan ko. Kakain lang kami," singhal ko naman. "Kakakain mo pa lang, 'di ba?" tanong niya. "Libre niya raw. Alam mo naman na nawawalan ng laman ang tiyan ko every time na

