WARNING: This chapter contains detailed depictions of people of same s*x having s****l intercourse. If you find such scenes offensive, disgusting, or utterly not to your liking, feel free to skip this chapter or leave. Thank you. ●●● Tetsu's POV Sabado kaya naman tuwang-tuwa ako nang binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Walang Chase na aalibadbad sa araw ko ngayon. Halos malaglag ako sa bintana nang makita kong naka-park sa labas ng bahay namin ang kotse ni Chase. Ang dami pang nakapaligid na mga tsismosa at tsismoso na nakatitig sa kanya habang nakasandal sa kotse niya. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo rito?!" pupungas-pungas kong sabi. "Ano sa palagay mo?" tanong ni Chase. Naningkit ang mga mata ko. "Hoy, 'wag mong mabwisit ang araw ko. Sabado ngayon, ugok. Wala akong obligasyon sa 'yo!"

